Sunday, October 21, 2012
Reminiscing Dream High
Friday, June 15, 2012
Let's talk about movies!
- Thelma (Maja Salvador as lead, an inspiring story, 3 stars)
- Fuschia (Something you want to watch if you get a full boring hours. Gloria Romero as lead, 4 stars)
- Death Note, Death Note 2: The Last Name and Death Note 3: L Change the World (I annually watch these 3 films every vacation over and over again! Hardcore fan. 5 stars)
- Bad Teacher (This teacher is not that bad dude! Haha. So I give 3 stars)
- 27 Dresses (Seriously good film especially for ladies out there! 4 stars)
- All About Steve (I don't care if others don't, but I love Sandra Bullock and this film is good though I'm expecting a love story drama in here, 5 stars)
- You Changed My Life (Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz fan, 4 stars)
- Kimmy Dora (This film is LMFAO, good comedy film, 3 stars)
- Tooth Fairy 2 (Just like the first Tooth Fairy with new characters and a twist, 3 stars)
- The Truman Show (I'm not sociologists or fan of society but a professor suggest me to watch this film. It's kind of fun, unexceptional but not ordinary film, I liked this, 4 stars)
- One More Chance (HARDCORE, One of the best film, ever. 5 stars)
- Pirahnna 3D (Eye catching film, I pity people who will sleep over this film, not a fan but I love it. 4 stars)
- Tanging Yaman (Broke my heart, 3 stars)
- This Means War (A good one, 3 stars)
- I Will Always Love You (INSERT CPTN HERE)
- Journey Home (This film cracks me up, 5 stars)
- Bahay Kubo (About a woman who adopt a lot of child and then when they that they are adapted, they leave the woman, good film for family, 4 stars)
- Hello Stranger (Thai movie, I'm not satisfied with the ending but you know, that's life. 3 stars)
- Jumper (Because of this movie, I wanted to become a jumper too. 4 stars)
- Memento Mori (Can't believe I survived watching this alone, I hate horror especially if it wakes you up in the middle of the night. 2 stars)
- Epic Movie (Epic, isnt't it? 2 stars)
- Battleship (I love how they made this movie so cool that it... Oops. I don't want to spoil you guys, better watch it. 4 stars)
- The Devil Wears Prada (Fashion is love, and follow what your heart says. Awesome, 5 stars)
- My Sassy Girl (Hollywood version, Sad but good with it's little drama, 3 stars)
- Miss Congeniality 2 ("That's how we do it in New York!" - Sandra Bullock, 4 stars)
- Larry Crowne (Inspiring and I got excited to see the changes with this Mr. Crowne, 5 stars)
- A Walk to Remember (I've just watch it this 2012. Pity me dude, but pity me no more! 4 stars)
- Crazy, Stupid, Love (I love the crazy part, so much! Can I go with 4.5 stars? :D)
- Drag Me to Hell (Thought I'm gonna be a scared kid, but I'm not! 3 stars)
- A Mother's Story (Movie for all OFW's out there especially made for moms, 4 stars)
- Ligo Na U, Lapit Na Me (Edgar Allan as lead with Mercedes Cabral, a good indie film from Eros Atalia's novel with the same title, 3 stars)
- Manay Po 2: Overload (Cherry Pie Picache, Jiro, Polo, and Pratty. Good actress and actors, 3 stars)
- The Viral Factor (I never thought I'd like action a lot, 5 stars)
- Ninja Assassin (Rain as lead, also a good one, 4 stars)
- The Darkset Hour (About alien destroying the world, awesome, 3 stars)
- Pathology (For people who loves to eat strawberry pie while watching bloody people, 3 stars)
Tuesday, September 6, 2011
Pilipinas, bagsak?
Habang nasa bus ako kanina papasok ng University, hindi ko mapigilang madismaya sa balitang naririnig ko mula sa TV (hindi ako nanonood, nakikinig lang). Bumagsak na pala ang dating ranggo ng top 4 universities dito sa Pilipinas --University of the Philippines, Ateneo de Manila University, De La Salle University at University of Santo Tomas. Ito ay ayon sa ranggo na ginagawa ng Quacquarelli Symonds.UP na mula sa 314th ay naging 332. ADMU na mula sa 307th ay bumaba sa 360. DLSU na mula sa sakop ng 451-500 ay naging 551-600. At mula sa 551-600 na pwesto ng UST ay bumaba na ito sa 600 pababa pa.
Sa paliwanag kanina sa balita ay malaki pala ang epekto ng subsidiyang ibinibigay sa mga paaralan. Isa sa dahilan kung bakit bumababa ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa ay dahil sa hindi binibigyang-pansin ng gobyerno ang mga hinaing ng estudyante. Mataas na budget para sa edukasyon! Ito ay hindi lang naman para sabihin na may ibinibigay silang budget sa atin kundi para ipakita ang suporta ng gobyerno para sa mga kabataang itinuturing na pag-asa ng bayan. Paano na lamang makakatapos ang isang Juan de la Cruz na lumaking yagit at umaasa sa tulong ng gobyerno dahil sa pangakong pag-aaralin sila nito noong eleksyon?
Isa pa ay ang budget cut. Bakit kailangan pang bawasan ang porsyento ng perang hindi na nga sapat para sa mga kabataan? Kung susumahin, sa unibersidad pa lamang namin at sa dami ng taong nag-aaral dito, lumalabas na nagkakaroon lamang ng P3-5 ang isang estudyante kada taon na nagmumula a gobyerno. Kulang na kulang pa nga ito para ipa-xerox ang isang kabanata ng libro.
Ganito na ba talaga kahirap ang ating bansa? O ganito na talaga kautak ang ating pamahalaan na nangakong magbibigay ng tapat na serbisyo? Hindi lang naman ako nananawagan para sa higher subsidy on education bagkus ay ang pag-asang maibalik sana ang kahit isa man lang sa apat na unibersidad dito sa Pilipinas sa listahan na yan. Para naman may masabi tayo, kahit sa edukasyon man lang!
Sana marinig tayo ng gobyerno, ng mga namumuno dito sa bansa. Sana matulungan nila tayo. Naniniwala kasi akong hindi mo kailangang gumastos ng milyon-milyong piso para lamang makapagtapo ka ng kolehiyo. Kailangan mo rin ng sikap, tiyaga at determinasyon. Kailangan mo rin ng mga taong makatutulong sa'yo para makapagtapos ka at may marating ka. Bukod sa mga mayayamang nakapagpapa-aral ng anak ng mga katulong nila, maaaring pamahalaan na ang isa sa pinaka o dapat gumawa ng paraan para matulungan tayo.
'Eto pa, ito ay para harapin mo ang totoo. Hindi ito polytical statement na bukas ay nakalimutan na. Ito ay wake up call para sa mga gumagawa ng statement (politiko): PHL schools fall in rankings of top world universities
*Mas maayos na ang ma malinaw. Hindi po ako raliyista, aktibista, o ano man. Siguro marahil ay may dugong-PUPian ako, na handang ipaglaban ang karapatan ng bawat isa. Karapatan ng isang batang mag-aral, matuto. At yun lang ang nais kong iparating.*
*Patawarin niyo ko sa paksang ito, at kung Tagalog man. Sorry. Mas masarap magsabi ng saloobin kapag tagalog, eh.*
Thursday, September 1, 2011
COLLEGE!
Thursday, July 7, 2011
Mga Batang Badjao
Matagal ko nang pinag-iisipan ang project ko tungkol sa mga batang badjao sa lansangan pero hanggang ngayon wala pang nangyayari. Hindi ‘to drawing, dahil dinaig ko pa ang sketch sa sobrang bagal ng pangako ko sa sarili. Nagmukha tuloy akong politiko. Mabuti na lamang at wala akong ibang napangakuan bukod sa sarili ko.
Naalala ko lang ang tungkol sa project na sinasabi ko dahil sa pagbabasa ko ng isang libro. Naisipan ko rin magsulat ngayon dahil maingay pa ang utak ko sa author ng librong binabasa ko. Bitaw muna sa libro, monitor muna ang haharapin ko. Balik tayo sa mga batang badjao, nakakita ka na ba ng batang may hawak na parang drums na gawa sa tubo at inikutan ng mga rubber para magmukhang drum set na pwede bitbitin gamit ang isang kamay? Pakalat-kalat sila sa daan. Dati sa lungsod ko lang sila nakikita, pero nung nakaraang taon nakita ko na lang na umaabot pala sila sa kalupaan ng Marilao, Bulacan. Sa kabilang kamay naman ng mga batang badjao, hawak nila ang mga sobreng puti na may nakasulat. Sumasabit sila sa mga jeep, mamimigay ng sobre at kakanta. Nanghihingi sila ng pangkain. Laking pagtataka ko kung paanong naisulat ng mga ‘yon ang nasa sobre samantalang hindi man lamang nga sila makapagsalita ng Filipino. Kaya nga siguro malaki ang hinala ko na hawak sila ng mga sira ulong sindikato.
At hindi lang pala sila puro bata, siguro marami lang sa kanila ang bata. Nakakita na rin ako ng mga badjao na may bitbit pang mga mas maliliit na bata. Hindi ko nga alam kung saan nagmula ang mga badjao na iyon at dito sila sa may amin naglipana. At kahit na hinubog ako ng katolikong paaralan, hindi malambot ang puso ko sa mga taong nanlilimos. Ewan, may awa naman ako. Wala lang talaga siguro ang simpatya ko sa kanila. Mas nakakaawa kasi para sa’kin yung mga taong nagsusumikap para sa pamilya nila pero hindi napapahalagahan. Yung parang “sige, bigay ka lang ng bigay. ‘Eto lang naman ang kailangan namin sa’yo, e.” Iyon ang nakakaawa, para sa’kin ha! Opinyon ko lang ‘yon, wag niyong mamasamain. Naiinis pa nga ko minsan kung bakit may mga nagbibigay sa mga nanlilimos. Pakiramdam ko kasi kinukunsinte nila na “sige lang!” Naniniwala kasi ako na kailangan mong magsikap. Para hindi ka parang tanga lang pagdating ng panahon. Kasi wala ka namang ibang aasahan bukod sa sarili mo, e. Lahat ng nagtitiwala sa’yo, pwedeng mawala ‘yan. Pero kapag nawalan ka na ng tiwala sa sarili mo, ‘yan ang mahirap. Kasi wala ka nang maasahan. Sana kung talagang may mga nagmamahal sa’yo.
Teka, lumalayo na yata tayo. Balik tayo sa mga badjao, yun nga. ‘Yung project ko. Gusto ko kasi silang kausapin, ‘yung mga bata. Hindi ko lang alam kung maaamo ko sila. Gusto ko silang pakainin tapos magkwentuhan kami kung ano talaga sila at bakit sila nanlilimos. Kung nasaan ang mga magulang nila, anong tunay nilang mga pangalan, at saan sila nakatira. Kaso baka isipin nila nanti-trip lang ako. Baka hindi nila ko seryosohin. Natatakot din ako baka kuyugin nila ko. Pero gusto ko lang talaga sila makausap. Makakwentuhan. Sasabihin ko, walang kumpanyang nagpadala sa’kin. Wala lang, curious lang talaga ko. At dahill nabanggit na rin ang kumpanya dito, bakit kaya ang mga batang ito ay hindi kupkupin ng mga kumpanya? Anong ginagawa ng DSWD? Sinabihan ba sila ng mga sindikato na ‘wag gagalawin ang mga bata? At sindikato nga ba talaga ang may hawak sa mga batang ‘to?
Napakarami ko pang gustong itanong. Napakarami ko pang gustong malaman pero wala naman akong ginagawa. Atras-abante kasi ako, e. Mahirap din akong kausap. Kaya nga ako lang mag-isa ang nagplano nito. Ayokong may madamay na wala namang kinalaman. At mahilig talaga kong mag-solo.
Oh, tama na. Mahaba-haba na rin ‘tong naikwento ko. Napakaingay kasi ng utak ko e. Nag-iibayo sa mga salita at emosyon. Punong-puno ng damdamin at ng kung anu-ano pa.
Balikan ko na yung librong binabasa ko, ang Ligo na U, Lapit na me ni Eros S. Etalia.
Date Modified: 7/6/2011 1:13PM
Sunday, July 3, 2011
Habal-habal
Kung lumaki ka sa mababato at bulubunduking bahagi ng Visayas at Mindanao, malamang alam mo ang sinasabi kong ‘habal-habal.’ Ito ay sasakyang mas kilala bilang motor dito sa lungsod. Ginagamint nila ito sa mga malalayong lugar sa Pilipinas kung saan hindi kayang bumili ng mga tao ng magagarang sasakyan. Ilan sa mga lugar na may ganitong uri ng sasakyan ay ang Iligan, Cebu, Basey, Samar, Samal Island at Bukidnon sa Davao.
Iba-iba rin ang uri at tawag sa mga habal-habal. Ang habal-habal ay isang sasakyang pang-lupa na de motor. Pinagkakasya ng mga driver sa mga ganito ang tatlo hanggang limang tao at kung minsan ay higit pa. Tinatawag din itong skylab sa ilang lugar na sinasabing nakuha raw sa salitng “sakay na, love.” Ang ibang uri naman ng habal-habal ay may palapad na kahoy sa gitna nito na nagsisilbing lalagyan ng mga bagahe at upuan ng iba pang pasahero. Ang presyo sa pagsakay sa habal-habal ay may kamahalan. Siguro ito ay dahil na rin sa turista ang karamihan sa mga sumasakay dito at malalayo talaga ang lugar na kanilang pinupuntahan. Wala rin naman mapagpipilian ang mga tao doon dahil ito lamang ang kanilang gamit sa transportasyon.
Kahit sa larawan pa lamang, makikita natin na hindi gaanong ligtas at walang seguridad ang pagsakay sa ganitong uri ng sasakyan. Sa isang balita noong 2009, sinabing hindi pinapayagan ng Land Transportation Office o LTO ang paggamit sa ganitong uri ng sasakyan. Itinuturing na ilegal ang habal-habal dahil ayon sa Republic Act 4136, na mas kilala bilang Land Transportation and Traffic Code, ay ipinagbabawal ang paggamit ng mga motorsiklo o scooter bilang pampublikong transportasyon.
Hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin ang habal-habal sa kadahilanang wala na silang ibang panghaliling sasakyan at marami rin ang mawawalan ng trabaho kapag inihinto ang paggamit sa ganitong mga sasakyan.
-----
SARILING AKIN PO 'YAN. :)
Napaka-unprof. nito, kasi nung malaman kong pwede pang magpasa ng article sa Tranvia (publishing ng BTM students), gumawa agad ako. Paspasan. Actually, isa lang 'to don sa pinasa ko. Dalawa kasi 'yon. Just wanna share this here. Open ako sa suggestions niyo o kaya violent reactions! Hahaha.
Wednesday, June 8, 2011
A Weird Dream
“Sorry, Emil. Sinaktan ka ba nila?” paalalay ko pang itinayo si Emil nang sandaling maka-alis na ang mga nakabunggo niya.
“Hindi naman, okay ako. Mukhang sila pa nga ang napuruhan ko.”
Nakakawala ng gana makita ang taong mahal mo na nasasaktan ng dahil sa’yo. Wala akong masabi sa kanya, hindi ko man lamang siya napapasalamatan. Palagi na lang siyang napapahamak ng dahil sa’kin. Nahihiya na ‘ko. “Sorry talaga.”
Inakbayan niya ko, “‘wag mo ng isipin. Sabi sa’yo hindi naman ako nasaktan, e.” malambing si Emil, pilit niyang pinagagaan ang loob ko. Mabait siya. Simula nang naging kami, hindi niya ko hinayaang maging malungkot o hindi komportable. Gagawin niya ang lahat para sa’kin... kahit sobra na, kahit mahirap.
Patuloy kaming naglakad papunta sa paborito naming kainan na parang walang nangyari. Nang marating namin ang karinderya, tinignan niya ko. Sinusuyo ako ng mga tingin na ‘yon, para bang gusto niyang sabihin sa’kin na “wag ka ng mag-alala.” Nginitian ko siya at sinuklian ko ang mga tingin na ‘yon ng mahigpit na yakap.
“Tara na, kakain na tayo.”
Naupo kami sa pinakasulok na upuan ng karinderya, sa palagi naming pinupwestuhan. Um-order na siya. “Aling Delia, dalawang palabok, monay tsaka softdrinks!”
“Balot ba?” sigaw ni Aling Delia.
“Di. Dito ho kakainin.” bumalik na siya sa inuupuan namin.
“O, ano bang hinahanap mo? Kapkap ka ng kapkap d’yan sa pantalon mo.”
“Faye, naiwan ko yata ‘yung bibigay ko sa’yo.” nadulas na si Emil, may ibibigay pala siya sa’kin. Kaso naiwan niya, kaya nasabi niya. “Kailangan ko ‘yun balikan!”
“‘Wag na! Tsaka mo na lang bigay. Pupunta pa tayong Fort Santiago, ‘di ba?”
“E! Babalikan ko, dito ka muna ha? Kumain ka na. Tapos um-order ka pa kung gusto mo. Basta dito ka lang. Babalik ako.” sabay takbo ng mabilis ni Emil. Hindi ko na siya napigilan. Tinanaw ko siya, pero mabilis rin siyang nawala sa daan. “Mukhang importante ‘yung ibibigay niya ah?” nasabi ko sa sarili. Bumalik na lang ako sa pwesto namin.
“Nako, naiwan niya pala ‘yung cellphone niya!” sa sobrang pagmamadali hindi niya rin siguro napansin.
Kumain na lang ako. Maya-maya pa, naubos ko na ang palabok at monay na in-order niya. Hindi pa rin nagagalaw ang palabok at monay na in-order ni Emil para sa kanya. Tinakpan ko na lang ng plato ko para hindi langawin, tinupi ko rin ang straw ng softdrink niya. At dinahan-dahan ko ang pag-inom ng softdrink ko. Mag-iisang oras na, wala pa rin si Emil. Konting oras na lang at mag-aalasais na, hindi na kami aabot sa Fort Santiago. “Napakatagal naman niyang bumalik. Ano na kayang nangyari?” may pag-aalala na sa boses ko nung sinimulan kong magsalita sa sarili.
Dumungaw ako sa may labas ng karinderya, may mga kabataang nagtatakbuhan, nagmamadali. Parang may eksena silang ayaw palampasin.
“May niresbakan daw ‘don! Nakaitim na t-shirt ‘yong lalaki.”
“Nag-iisa lang daw.”
“Binuhusan daw ng asedo!”
“Tara!"
Kinilabutan ako sa mga sinasabi nila. Bumalik ako sa pwesto namin, dumaan ang pusang itim at nabunggo nito ang mesa. Tumapon ang softdrink ni Emil. Nabasag ang bote. Lalo akong kinabahan. Kinuha ko ang gamit ko at cellphone ni Emil, mabilis akong lumabas.
Sinundan ko ang mga kabataan, ang direksyon na pinuntahan nila ay ang pinanggalingan namin kanina. Nagdahan-dahan ako. Sa paglalakad ko, biglang may humila sa kamay ko papunta sa puno sa may kanto. Laking gulat ko, “si Emil!” Totoo ang sinabi ng mga kabataan, at ang lalaking naka-itim na t-shirt ay si Emil! Iba na ang itsura niya. Nabuhusan nga siya ng asedo, sa may bandang kaliwang tenga pababa hanggang sa leeg. Hindi ko akalaing totoo ang nakikita ko! Hawak niya ang kamay ko, gulat na gulat ang mga mata ko. At siya, binabasa niya ang pagtingin ko.
Bigla niya kong binitiwan, “EMIL!” Malakas ang sigaw ko. Tumakbo siya ng napakabilis. Simula ‘non, hindi na ulit kami nagkita.
HEY BLOGGR. ;)
Share ko lang. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa 'to, 99% here is a part of my dream. It's kinda weird. Hindi ko alam kung bakit ako nanaginip ng ganito. Pero I think, I must write it. So, ayan. Medyo klinaro ko lang. If there's much time, madudugtungan ko pa 'to. Let's just see.
Friday, February 25, 2011
José Rizal
"Sa aking mga nobela'y pinilit kong sagutin ang mga mapanirang puring paratang sa aming mga Pilipino. Inilahad ko ang kawawang kalagayan ng aking bayan, ang aming mga karaingan at kalungkutan..."
Sa eskwela ko, ang lahat ay nagka-cram sa paggawa ng projects at pag-ensayo sa play. Pero ngayon, sa bahay, ako ay nanonood ng José Rizal. Bigla ko lang naisipan. Napakatagal ng yari ng pelikula pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong panoorin ito at sinunggaban ko naman. Sayang eh! At talaga namang lalo akong natuto.
Nalaman kong may mga tinuturong tama ang mga guro sa aspeto ng mga alam at hindi nila alam sa kasaysayan.
Nalaman kong karamihan sa mga alam nila e tama at totoo talaga.
Nalaman kong mali na lumaban sa paraang hindi mo kaharap ang kalaban mo. Dahil kung gusto mo talagang lumaban, humarap ka!
Nalaman kong hindi perpekto ang tao para araw-araw maging optimistic. Parte ng buhay na paminsan-minsan e ayawan mo siya.
Nalaman kong pwede palang mahalin ang mga bagay na hindi mo kauri. Pwede mong makasundo ang hindi mo kadugo base sa mga karanasan ninyo.
Nalaman kong napakahalaga talaga ng edukasyon pero hindi iyon ang napakalaking maiaambag mo sa buhay at sa bayan. Kundi ang tunay na pagiging mapagmahal mo sa bawat karapatan ng lahat ng nilalang. Dapat alam mo ang pagkakapantay-pantay. Kahit na may pinag-aralan o wala, karapatan ng bawat isa ang pantay na pagrespeto. Kung ang Diyos nga ay marunong tumingin ng pantay, ang tao pa kaya? Alam kong kaya natin maging pantay ngunit alam ko ring napakahirap nitong gawin. Tumbalik?
Sa kabuuan, hindi naman nasayang ang ilang oras ng pagkakaupo ko sa hara ng monitor dahil marami pala kong nalaman. Maraming nadagdag sa utak ko. Yun nga lang, minsan kailangan ko p 'tong balik-balikan para maging sariwa ulit yung nasa alaala ko.
Tunay ngang napakalaki ng naitulong ni Rizal. Tinanggihan niya na maging ang batas dahil alam niyan hindi ito perpekto. Nawalan siya ng pag-asa ngunit nabuhayang ulit Nalaman niyang malaki ang nagawa niya sa pamamagitan ng pagsusulat. Kahit na naging napakapanganib ng pinasok niyang larangan. Wala siyang kinatakutan at minahal niya ang tinahak niyang landas. Sobresaliente!
Natutuhan kong hindi lahat ng tao ay pantay-pantay.
Mind my Business. Ü
Saturday, January 8, 2011
Ang lalaking mukhang jejemon.
BOB ONG: Bakit pa sila maghihiwalay kung magkakabalikan din sila? Para lang silang naggagaguhan.
VICE GANDA: Ay! Hindi hindi. Alangan namang magkabalikan sila ng sila pa? yun ang naggagaguhan!
Kanina habang pauwi, may nakasabay akong dalawang medyo batang-matandang dalawang lalaki. Yung isa parang nasa 11-15 y/o pa lang. Siya yung bumangka sa kwentuhan na pinakikinggan ng kasama niyang walang mapagtiyagaang parang nasa 17-22 y/o. Magpapaliwanag muna ko para hindi ako maakusahang nakikinig sa kwentuhan ng iba: hindi talaga ko interesante dun sa kwento nung unang lalaking nabanggit ko, hindi ko lang talaga maiwasang hindi marinig yung pag-uusap nila dahil akala yata nila nasa magkabilang dulo sila ng pampublikong jeep. Balik sa kwento, tinanong nung unang lalaki yung kasama niya kung alam niya na daw ba yung tungkol sa message na yan. (yung naka "quote" sa itaas). Tapos nagkwento na siya.. hindi niya lang naipaliwanag ng sakto ang sinabi nung "Bob Ong" kuno sa quote na yan.. nainis ako. Nakakabanas. Hindi ko alam kung yung kwento o yung mukha niya yung nakakabanas. Pareho siguro. Pero nakakainis talaga isipin. Oo, dahil sa mga quotations na yan ako nahumaling at nagka-ideya siyasatin ang buhay ng taong tinitingala ko ngayon. Pero ako, inaamin ko nalulong ako sa paghanga sa mga love quotes ni Bob DAW.. pero ulit. Pero naghanap ako ng paraan na makilala siya ng lubusan. Binasa ko siya, ang buhay niya, at ang mga kwentong barbero niya. Pati yung mga nobela niya, hindi ko pinatawad. At naniniwala ako sa paniniwala na hindi siya madaming tao bagkus ISA... at paninindigan ko yung mga paniniwala kong 'yon. Hanggang sa makababa ako ng pampublikong jeep at sumakay sa isa pa.. nasa isip ko pa rin yung pambabara ni Vice Ganda na hindi ko alam kung sinong nagsimula. Dahil ang sabi nung unang lalaki, totoong naganap daw yung pangyayari sa quote. Aba! Kabitbahay niya yata si Master. Napangiti na lang ako. Sa kwento niya... at sa mukha niya. :)
Monday, December 20, 2010
Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.




Nung linggo ko pa tapos basahin ang libro, pero ngayon lang ako magkukwento.
Nakakuha ako ng opisyal at sarili kong kopya ng Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan noong huwebes ng gabi. Buti na lang, madami pang stock. Hindi kaagad ako nagkaroon ng oras para magbasa pero nung hinawakan ko ang libro natapos ko hanggang huling pahina.
Simula ng matuto akong magbasa ng libro ni Bob Ong, hindi ko pinalaki ang sarili ko sa layaw. Iwas ako sa pagbisita sa mga Fan Page at Discussion Board ng libro. Isa lang ang karamay ko no'n, Google Translator. Hindi naman kasi lahat ay nakakaintindi ng Latin at kakaiba ang ika-walo. Hindi mo pwedeng sabihing "solve na 'ko." Ikaw ang gagawa ng sarili mong konklusyon at papaganahin mo ang naipon mong imahinasyon. Ikaw lang ang gagalaw at kailangan mong sang-ayunan ang gawa-gawa mong kwento para may maipakita kang katapusan. Ganun na lang ang nangyari, pero dahil Hi-Tech na tayo ngayon ay pwede ka ng makipagpalitan ng kwento mo sa sarili mong mambabasa sa isang pindot lang... at kung minsan, isang pindot lang din ay sagot na ang kababalaghan sa utak mo. Malalim ang kwento, may pilit ipinahihiwatig na dapat mong ma-arok nang hindi ka pinanghihinaan dahil pinangungunahan ka ng takot mo.
Aaminin ko ang totoo. Hindi ako nagmamayabang, pero ng natapos ko ang kwento. Hindi talaga ko kinabahan. Ang una pang pumasok sa isip ko parang kulang yung pahina, pero hindi. Ganun na lang talaga. Nang matapos na 'kong magbasa, tsaka ko sinubok magbasa ng sinasabi ng utak ng iba. At natutuwa ako, dahil minsan naaarok nila ang lalim ng istorya... at doon pumasok ang takot ko. Hindi ko makontrol ang imahinasyon ko dahil sa mga sinabi nila. Pero maganda na rin yon, dahil may natutunan akong bago kaysa sa mga bagay na alam ko. Sa katunayan, tinapos kong basahin ang lahat ng wall post sa Fan Page na ito (http://www.facebook.com/pages/Ang-Mga-Kaibigan-ni-Mama-Susan/172646046087640?v=wall). Masipag akong magbasa e. (Ehem!)
Silent reader ako. Hindi ako magre-react sa mga bagay na mababasa ko, lalo na sa fan page na 'yon. Ewan. Gusto ko akin na lang yung nalalaman ko dahil alam kong hindi ko naman dapat ipangalandakan ang lahat. Kaya minabuti ko rin na dito magsulat. Para wala gaanong reaksyon at para mapanatili ko ang kapayapaan sa post ko. Hindi rin ako magbabanggit tungkol sa nabasa ko sa libro, iyon ay bilang respeto sa taong sumulat nito at para sa kapakanan ng mga taong hindi pa nakababasa nito.
Kung gusto mong malaman ang istorya at talagang hindi ka na maaawat. Pwes, magtiis ka. Pagkatapos no'n bumili ka ng libro at siguraduhin mong babasahin mo ito. Hindi lang 'yon, siguraduhin mong sa bawat paglipat ng pahina ay naintindihan mo ang ipinahihiwatig ng librong hawak mo.
Iyon lamang. Maligayang pagbabasa!
Mind my Business. Ü
Tuesday, November 30, 2010
B.N.
Umiikot ang buhay ng tao para sa pera. Dahil sa pera... pero hindi pera ang dapat na nag-iikot sa buhay ng tao. Sayang. Ikaw Pinoy, isasaalang-alang mo ba ang buhay mo dahil sa malaki ang sweldo? Dahil sa makakatulong 'to sa pamilya mo? at dahil sa ikawawala mo 'to sa mundo?
Mag-isip ka.
--
B.N. for bad news. Seryoso ang tema. Hindi biro. Pinapahalagahan ko ang buhay ko kaya nadala ko ng emosyon ko.
OT: Ikalawang araw na walang pasok pero madaming gagawin at wala pa kong natatapos. Labis na nananabik sa Ikawalong libro ni Bob Ong. Walang pasok, walang pera. Walang magawa. :)
Friday, November 5, 2010
Know me BETTER.
I got this from Facebook. Well, I am supposed to re-post this on my notes until I remembered my beloved Blogger. :)
[Credits to: Angela Feliz Villegas]
My personality:
- I’m loud.
- I’m obnoxious.
- I'm sarcastic
- I’m cocky.
- I cry easily.
- I have a bad temper.
- For the most part I don’t like people.
- I’m easy to get along with.
- I have more enemies than friends.
- I’ve smoked.
- I’ve smoked weed.
- I drink coffee.
- I clean my room daily.
My appearance:
- I wear makeup.
- I wear a piece of jewelery at all times.
- I wear contacts.
- I wear glasses.
- I have braces.
- I change my hair colour often.
- I straighten my hair often.
- I have a piercing.
- I have small feet.
Relationships:
- I’m in a relationship now.
- I’m single.
- I’m crushin’.
- I’ve missed an ex before.
- I’m always scared of being hurt.
- An ex has physically abused me at least once.
- I’ve told someone I loved them when I didn’t.
- I’ve told someone I didn’t love them when I did.
- I’ve been in love more than two times.
- I believe in love at first sight.
- I believe lust is more important than love.
Friendships:
- I have a best friend.
- I have at least ten friends.
- I’ve gotten a phone call in the last 48 hours from a friend.
- I’ve beaten up a friend.
- I’ve been in a serious fight with a friend. - Not physically.
- I can trust at least five people with my life.
Experiences:
- I’ve been on a plane.
- I’ve been on a train.
- Someone close to me has died.
- I’ve taken a taxi.
- I’ve taken a city bus.
- I’ve taken a school bus.
- I’ve gone bungee jumping.
- I’ve made a speech.
- I’ve been in some sort of club.
- I’ve won an award.
- I’ve spent 24 hours on the computer straight.
- I’ve been in a physical fight.
Music:
- I listen to R&B.
- I listen to country.
- I listen to pop.
- I listen to techno.
- I listen to rock.
- I’m one of those people who play songs repeatedly until I hate it.
- I hate the radio.
- I download music.
- I buy CD’s.
Television:
- I spend at least six hours a day watching television.
- I watch soap operas daily.
- I’m in love with Days Of Our Lives.
- I’ve seen and liked the O.C.
- I’ve seen and liked One Tree Hill.
- I’ve seen and like Americas Next Top Model.
- I’ve seen and like Popular.
- I’ve seen and like 24.
- I’ve seen and liked CSI.
- I’ve seen and like Everwood.
Family Life:
- I get along with both of my parents.
- My biological parents are still together.
- I have at least one brother.
- I have at least one sister.
- I have at least one step brother/sister.
- I have at least one half brother/sister.
- I’ve been kicked out of the house.
- I’ve ran away from my home.
- I’ve sworn at my parents.
- I’ve made my parents cry.
- I’ve lied to my parents.
- I’ve lied to my parents about where I am.
- I’ve lied to my parents about what I’m doing.
- I’ve lied to my parents so I’d be allowed out.
- I’ve walked out when I’ve been grounded.
Hair:
- I’ve been brown.
- I’ve had streaks.
- I’ve cut my hair in the past year.
- I’ve dyed my hair in the past year.
- I’ve been blonde.
- I’ve had black.
- I’ve been red.
- I’ve been light brown.
- I’ve been medium brown.
- I’ve been blue/green.
- I’ve gotten my hair thinned.
- I use conditioner.
- I’ve used silk therapy.
- I’ve used hot oil treatments.
- I’ve curled my hair.
- I’ve straightened my hair.
- I’ve ironed my hair.
- I’ve braided my hair.
School:
- I’ve yelled at a teacher.
- I’ve been suspended.
- I’ve had an in-school suspension.
- I’ve been sent to the principal’s office.
- I’ve walked out of class.
- I’ve skipped an entire day of school.
- I’ve skipped a whole month of one certain class.
- I’ve failed a test.
- I’ve cheated on a test.
- I’ve helped someone else cheat on a test.
- I’ve failed Art.
- I’ve failed P.E.
- I’ve failed math.
- I’ve failed science.
- I’ve failed another class.
- A teacher has called my parents.
Well, I don't mind watching televisions at all. *laughs*
Mind my Business.Ü

