BOB ONG: Bakit pa sila maghihiwalay kung magkakabalikan din sila? Para lang silang naggagaguhan.
VICE GANDA: Ay! Hindi hindi. Alangan namang magkabalikan sila ng sila pa? yun ang naggagaguhan!
Eto, ngayon ko lang 'to nalaman. Laganap na pala 'to sa text messages.
Kanina habang pauwi, may nakasabay akong dalawang medyo batang-matandang dalawang lalaki. Yung isa parang nasa 11-15 y/o pa lang. Siya yung bumangka sa kwentuhan na pinakikinggan ng kasama niyang walang mapagtiyagaang parang nasa 17-22 y/o. Magpapaliwanag muna ko para hindi ako maakusahang nakikinig sa kwentuhan ng iba: hindi talaga ko interesante dun sa kwento nung unang lalaking nabanggit ko, hindi ko lang talaga maiwasang hindi marinig yung pag-uusap nila dahil akala yata nila nasa magkabilang dulo sila ng pampublikong jeep. Balik sa kwento, tinanong nung unang lalaki yung kasama niya kung alam niya na daw ba yung tungkol sa message na yan. (yung naka "quote" sa itaas). Tapos nagkwento na siya.. hindi niya lang naipaliwanag ng sakto ang sinabi nung "Bob Ong" kuno sa quote na yan.. nainis ako. Nakakabanas. Hindi ko alam kung yung kwento o yung mukha niya yung nakakabanas. Pareho siguro. Pero nakakainis talaga isipin. Oo, dahil sa mga quotations na yan ako nahumaling at nagka-ideya siyasatin ang buhay ng taong tinitingala ko ngayon. Pero ako, inaamin ko nalulong ako sa paghanga sa mga love quotes ni Bob DAW.. pero ulit. Pero naghanap ako ng paraan na makilala siya ng lubusan. Binasa ko siya, ang buhay niya, at ang mga kwentong barbero niya. Pati yung mga nobela niya, hindi ko pinatawad. At naniniwala ako sa paniniwala na hindi siya madaming tao bagkus ISA... at paninindigan ko yung mga paniniwala kong 'yon. Hanggang sa makababa ako ng pampublikong jeep at sumakay sa isa pa.. nasa isip ko pa rin yung pambabara ni Vice Ganda na hindi ko alam kung sinong nagsimula. Dahil ang sabi nung unang lalaki, totoong naganap daw yung pangyayari sa quote. Aba! Kabitbahay niya yata si Master. Napangiti na lang ako. Sa kwento niya... at sa mukha niya. :)

Mind my Business. Ü
No comments:
Post a Comment