Sabi nga ni Steven Seagal kay Tommy Lee Jones sa Undersiege "We are all puppets serving the same masters."
First time. Sumubok ako ng ibang librong gawang Pinoy. Kapag kasi pumupunta ko ng bookstores at lumapit ako sa book shelf, isa lang ang pakay ko; ang libro ni Master. Tawagin na lang natin siya sa pangalang ginagamit niya sa pagkukubli ngayon, Bob Ong. Sa kanya ko natutong magtiyaga at magbasa ng librong hindi naman recquired basahin sa paaralan. Wala akong tiyaga dati (nasubukan ko na rin kasing patulan ang mga True Philippine Ghost Stoies, Precious Herat Romance, at iba pa) pero natuto ako ngayon na magmahal sa paggamit ko ng pagiging literado ko.
Balik sa first time..
Hindi naman sinasadya, dahil naghihikahos ako ngayon at walang planong bumili ng mga bagay-bagay na ayon lang sa luho ko. Kuntento na naman ako e.. dapat. Kaso yung kaibigan ko dinala ako sa bookstore, hindi ko alam na kasama yun sa plano. Ang usapan e sasamahan lang namin siya sa mall. Pagdating sa bookstore, naghiwalay kami. Pumunta siya sa pwesto kung saan niya kukunin ang bibilin niya. Ako, naiwang nakatunganga sa bookshelf. Tapos na siya at ako nandoon pa din.
Hindi ko alam kung anong espiritu ang lumapit sa'kin, sumakay naman ako sa tsubibo ng kalaro. Hanggang sa binitawan ko yung libro. Nagturo ako ng iba. (Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?) Ayaw niya nun. Gusto ko yun. Ang katwiran ko, nawala kasi yung ganun ko, winala. Hindi ko na ka'ko kumpleto yung libro ni Master. Ayaw niya nun. Nabasa na daw niya. Ang gusto pala niyang mangyari e bibili ako ng libro tapos ikukwento ko sa kaniya. Wow. Kwentong barbero baga. Balik sa unang librong hinawakan. Hinamon ulit ako.
Paulit-ulit. Ayoko kasing maniwalang bibilhin niya. Masyadong mahal ang libro. Isa pa, quits na kami nung Pasko. Hindi ako nanawa sa pakikipag-usapan. Huminto ang tsubibo at ako ang nahilo. Binili niya ang libro. Hindi naman matapos ang pasalamatan. Para kong batang bumaba ng tsubibo at isinakay sa carousel sa tuwa. Hindi lang halata.
Balik na ulit sa first time, promise. Eto na talaga.
Nung una, hindi ko maunawaan kung bakit andaming pinapasalamatan ni Eros. Artistahin. Natawa ko nung sinabi ng isang director ang "Humanda ka, Bob Ong!" kahit na hindi naman layunin nito ang patawanin ang mambabasa. Ilang pahina na rin bago pa man mapunta sa unang parte ng kwento. Nabitin nga lang ako kung bakit nagkaganoon. Sayang. Sana tinapos niya hanggang sa nagtatrabaho na siya. Mahilig pa naman ako sa non-fiction. Gusto ko palagi ng katotohanan. Nagbabasa naman ako ng nobela pero gusto ko yung isang basahan lang, nakakabitin kasi kapag hindi mo tinuloy.
Pagdating sa pangalawang parte, medyo bigo ako. Hindi sa pangit, pero hindi ako nagandahan. Hindi kasi yun ang inaasahan kong sirkulasyon ng libro. Siguro ay iba-iba lang talaga ang panlasa ng mambabasa. Depende sa takbo ng utak nito.
Pero sa kabuuan, okay naman! Nakatutuwa dahil ikinukumpara siya kay Bob Ong pero nakita ko ang seryosong mukha ni Eros Atalia nang ibang-iba sa pagseseryoso ni Bob. Kudos to you Mr. Eros S. Atalia!
70% GOOD. Keep it up.
Sa susunod, titikim ulit ako ng ibang libro. Ibang manunulat at ibang istilo. Pero hindi ko sila ibabagsak, hihilahin pababa, at i-endorso na huwag tangkilikin ang gawa nila.
I support Filipino authors!

"Anong gusto mo?" Nilapitan ako ng kaibigan, aba. Naghahamon yata 'to.
"Gusto ko ng libro, ibibili mo ba 'ko?" Pabiro yung sagot ko, promise. Pabiro.
Hindi ko alam kung anong espiritu ang lumapit sa'kin, sumakay naman ako sa tsubibo ng kalaro. Hanggang sa binitawan ko yung libro. Nagturo ako ng iba. (Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?) Ayaw niya nun. Gusto ko yun. Ang katwiran ko, nawala kasi yung ganun ko, winala. Hindi ko na ka'ko kumpleto yung libro ni Master. Ayaw niya nun. Nabasa na daw niya. Ang gusto pala niyang mangyari e bibili ako ng libro tapos ikukwento ko sa kaniya. Wow. Kwentong barbero baga. Balik sa unang librong hinawakan. Hinamon ulit ako.
"Gusto mo ba talaga yan?"
"Bibilin mo ba?"
"OO."
"Talaga? Promise?" Aba! Talo na yata ako.
"Oo nga."
"Talaga nga, promise?"
"Oo nga ang kulit. Ayaw mo di 'wag."
"Sabi na e, yung totoo nga kasi. Bibilin mo ba?"
Paulit-ulit. Ayoko kasing maniwalang bibilhin niya. Masyadong mahal ang libro. Isa pa, quits na kami nung Pasko. Hindi ako nanawa sa pakikipag-usapan. Huminto ang tsubibo at ako ang nahilo. Binili niya ang libro. Hindi naman matapos ang pasalamatan. Para kong batang bumaba ng tsubibo at isinakay sa carousel sa tuwa. Hindi lang halata.
Balik na ulit sa first time, promise. Eto na talaga.
Nung una, hindi ko maunawaan kung bakit andaming pinapasalamatan ni Eros. Artistahin. Natawa ko nung sinabi ng isang director ang "Humanda ka, Bob Ong!" kahit na hindi naman layunin nito ang patawanin ang mambabasa. Ilang pahina na rin bago pa man mapunta sa unang parte ng kwento. Nabitin nga lang ako kung bakit nagkaganoon. Sayang. Sana tinapos niya hanggang sa nagtatrabaho na siya. Mahilig pa naman ako sa non-fiction. Gusto ko palagi ng katotohanan. Nagbabasa naman ako ng nobela pero gusto ko yung isang basahan lang, nakakabitin kasi kapag hindi mo tinuloy.
Pagdating sa pangalawang parte, medyo bigo ako. Hindi sa pangit, pero hindi ako nagandahan. Hindi kasi yun ang inaasahan kong sirkulasyon ng libro. Siguro ay iba-iba lang talaga ang panlasa ng mambabasa. Depende sa takbo ng utak nito.
Pero sa kabuuan, okay naman! Nakatutuwa dahil ikinukumpara siya kay Bob Ong pero nakita ko ang seryosong mukha ni Eros Atalia nang ibang-iba sa pagseseryoso ni Bob. Kudos to you Mr. Eros S. Atalia!
70% GOOD. Keep it up.
Sa susunod, titikim ulit ako ng ibang libro. Ibang manunulat at ibang istilo. Pero hindi ko sila ibabagsak, hihilahin pababa, at i-endorso na huwag tangkilikin ang gawa nila.
I support Filipino authors!
Mind my Business. Ü
No comments:
Post a Comment