Sunday, July 3, 2011

Habal-habal

Nakasakay ka na ba sa habal-habal? Ako din hindi pa. Pero gusto kong maranasang makasakay doon balang araw.

Kung lumaki ka sa mababato at bulubunduking bahagi ng Visayas at Mindanao, malamang alam mo ang sinasabi kong ‘habal-habal.’ Ito ay sasakyang mas kilala bilang motor dito sa lungsod. Ginagamint nila ito sa mga malalayong lugar sa Pilipinas kung saan hindi kayang bumili ng mga tao ng magagarang sasakyan. Ilan sa mga lugar na may ganitong uri ng sasakyan ay ang Iligan, Cebu, Basey, Samar, Samal Island at Bukidnon sa Davao.

Iba-iba rin ang uri at tawag sa mga habal-habal. Ang habal-habal ay isang sasakyang pang-lupa na de motor. Pinagkakasya ng mga driver sa mga ganito ang tatlo hanggang limang tao at kung minsan ay higit pa. Tinatawag din itong skylab sa ilang lugar na sinasabing nakuha raw sa salitng “sakay na, love.” Ang ibang uri naman ng habal-habal ay may palapad na kahoy sa gitna nito na nagsisilbing lalagyan ng mga bagahe at upuan ng iba pang pasahero. Ang presyo sa pagsakay sa habal-habal ay may kamahalan. Siguro ito ay dahil na rin sa turista ang karamihan sa mga sumasakay dito at malalayo talaga ang lugar na kanilang pinupuntahan. Wala rin naman mapagpipilian ang mga tao doon dahil ito lamang ang kanilang gamit sa transportasyon.

Kahit sa larawan pa lamang, makikita natin na hindi gaanong ligtas at walang seguridad ang pagsakay sa ganitong uri ng sasakyan. Sa isang balita noong 2009, sinabing hindi pinapayagan ng Land Transportation Office o LTO ang paggamit sa ganitong uri ng sasakyan. Itinuturing na ilegal ang habal-habal dahil ayon sa Republic Act 4136, na mas kilala bilang Land Transportation and Traffic Code, ay ipinagbabawal ang paggamit ng mga motorsiklo o scooter bilang pampublikong transportasyon.

Hanggang sa kasalukuyan ay ginagamit pa rin ang habal-habal sa kadahilanang wala na silang ibang panghaliling sasakyan at marami rin ang mawawalan ng trabaho kapag inihinto ang paggamit sa ganitong mga sasakyan.

-----

SARILING AKIN PO 'YAN. :)

Napaka-unprof. nito, kasi nung malaman kong pwede pang magpasa ng article sa Tranvia (publishing ng BTM students), gumawa agad ako. Paspasan. Actually, isa lang 'to don sa pinasa ko. Dalawa kasi 'yon. Just wanna share this here. Open ako sa suggestions niyo o kaya violent reactions! Hahaha.

Mind my Business. Ü

2 comments:

  1. saw this link, collection of habal-habal in mindanao http://bit.ly/rP9yZW

    ReplyDelete
  2. Thanks for sharing that. By the way, the pictures of habal-habal in this post is not mine.

    Credits for the owner.

    ReplyDelete