Monday, December 20, 2010

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.

































Nung linggo ko pa tapos basahin ang libro, pero ngayon lang ako magkukwento.

Nakakuha ako ng opisyal at sarili kong kopya ng Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan noong huwebes ng gabi. Buti na lang, madami pang stock. Hindi kaagad ako nagkaroon ng oras para magbasa pero nung hinawakan ko ang libro natapos ko hanggang huling pahina.

Simula ng matuto akong magbasa ng libro ni Bob Ong, hindi ko pinalaki ang sarili ko sa layaw. Iwas ako sa pagbisita sa mga Fan Page at Discussion Board ng libro. Isa lang ang karamay ko no'n, Google Translator. Hindi naman kasi lahat ay nakakaintindi ng Latin at kakaiba ang ika-walo. Hindi mo pwedeng sabihing "solve na 'ko." Ikaw ang gagawa ng sarili mong konklusyon at papaganahin mo ang naipon mong imahinasyon. Ikaw lang ang gagalaw at kailangan mong sang-ayunan ang gawa-gawa mong kwento para may maipakita kang katapusan. Ganun na lang ang nangyari, pero dahil Hi-Tech na tayo ngayon ay pwede ka ng makipagpalitan ng kwento mo sa sarili mong mambabasa sa isang pindot lang... at kung minsan, isang pindot lang din ay sagot na ang kababalaghan sa utak mo. Malalim ang kwento, may pilit ipinahihiwatig na dapat mong ma-arok nang hindi ka pinanghihinaan dahil pinangungunahan ka ng takot mo.

Aaminin ko ang totoo. Hindi ako nagmamayabang, pero ng natapos ko ang kwento. Hindi talaga ko kinabahan. Ang una pang pumasok sa isip ko parang kulang yung pahina, pero hindi. Ganun na lang talaga. Nang matapos na 'kong magbasa, tsaka ko sinubok magbasa ng sinasabi ng utak ng iba. At natutuwa ako, dahil minsan naaarok nila ang lalim ng istorya... at doon pumasok ang takot ko. Hindi ko makontrol ang imahinasyon ko dahil sa mga sinabi nila. Pero maganda na rin yon, dahil may natutunan akong bago kaysa sa mga bagay na alam ko. Sa katunayan, tinapos kong basahin ang lahat ng wall post sa Fan Page na ito (http://www.facebook.com/pages/Ang-Mga-Kaibigan-ni-Mama-Susan/172646046087640?v=wall). Masipag akong magbasa e. (Ehem!)

Silent reader ako. Hindi ako magre-react sa mga bagay na mababasa ko, lalo na sa fan page na 'yon. Ewan. Gusto ko akin na lang yung nalalaman ko dahil alam kong hindi ko naman dapat ipangalandakan ang lahat. Kaya minabuti ko rin na dito magsulat. Para wala gaanong reaksyon at para mapanatili ko ang kapayapaan sa post ko. Hindi rin ako magbabanggit tungkol sa nabasa ko sa libro, iyon ay bilang respeto sa taong sumulat nito at para sa kapakanan ng mga taong hindi pa nakababasa nito.

Kung gusto mong malaman ang istorya at talagang hindi ka na maaawat. Pwes, magtiis ka. Pagkatapos no'n bumili ka ng libro at siguraduhin mong babasahin mo ito. Hindi lang 'yon, siguraduhin mong sa bawat paglipat ng pahina ay naintindihan mo ang ipinahihiwatig ng librong hawak mo.

Iyon lamang. Maligayang pagbabasa!

Mind my Business. Ü

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.

1 comment:

  1. Utang ko nga pala sa mga tao sa itaas yung nakaw na print screen ko ng post nila. :) pampaganda lang ng post mga kapatid. walang personalan.

    ReplyDelete