Habang naglilinis ako ng kwarto, hindi naiwasan ng tenga ko na marinig ang balita mula sa TV sa labas. Nainis ako sa balita. Hindi ko alam kung bakit ako apektado. Ang natatandaan ko sa balita, yung mga Filipino DH sa ibang bansa e pinagbebenta ng mga drugs sa Asia. Sila yung nagdedeliver. Malaki ang sweldo kaya maraming hindi umiwas sa temptasyon. Ngayon, 5 sa kanila ang pupugutan ng ulo (hindi ko sigurado kung Pilipino). Yung iba, mababa lang ang kaso. Naiinis ako sa balita. Bakit ganon? Malaki ang sweldo, oo. Pero hindi ba nila inisip na mas malaki ang buhay? Wala ng kapalit yun. Masarap mabuhay, hindi ba nila yun alam. Nung inalok sila ng gano'ng trabaho, hindi ba nila naisip na "teka, delikado 'to ah."
Umiikot ang buhay ng tao para sa pera. Dahil sa pera... pero hindi pera ang dapat na nag-iikot sa buhay ng tao. Sayang. Ikaw Pinoy, isasaalang-alang mo ba ang buhay mo dahil sa malaki ang sweldo? Dahil sa makakatulong 'to sa pamilya mo? at dahil sa ikawawala mo 'to sa mundo?
Mag-isip ka.
--
B.N. for bad news. Seryoso ang tema. Hindi biro. Pinapahalagahan ko ang buhay ko kaya nadala ko ng emosyon ko.
OT: Ikalawang araw na walang pasok pero madaming gagawin at wala pa kong natatapos. Labis na nananabik sa Ikawalong libro ni Bob Ong. Walang pasok, walang pera. Walang magawa. :)

Mind my Business.Ü
No comments:
Post a Comment