Nakaraos rin sa dalawang talagang hinihintay ko na resulta.
Pumasa ko sa Bulacan State University (BSU). Napa-yes ako nun! Pero syempre sa isip lang. March 14, 2011 daw lumabas ang resulta pero tatlong araw na 'kong naghintay sa Internet hanggang sa hindi na ko nakatiis pa. Huwebes, nagpunta ko ng Malolos. Naikwento ko na 'to e, dito. Paulit-ulit ba? Hahaha. Ang sarap lang talaga ng pakiramdam pumasa.
Kahapon naman nag-online ako pagkagaling sa simbahan. Lunes daw lalabas ang resulta ng exam ko sa PUP, March 21, 2011. Pero dahil makulit ako at hindi ako marunong sumunod, nag-online ako. Tinignan ko ang nasabing website at *boooooom*. Kinabahan ako ng bongga. "Hala! Linggo pa lang. Bakit may resulta na?" Pagka-type ko ng pangalan ko, lumabas. Pero hindi ko kaagad naintindihan. Pinangunahan yata ko ng kaba. Akala ko wala na. Nung medyo kalmado na 'ko, tsaka ko naintindihan. Sh*t! Pasado ko! Napaiyak pa nga ako e, promise! Kung kelan ako tumanda tsaka ko naging iyakin. Ayun, sa awa ng Diyos, nakapasa ko. Super thanks! :) Hindi talaga ko makapaniwala e.
Tapos na ang mga entrance exam. College na ba 'ko? Ilang linggo na lang, graduation na. Waaah! *panic*

Mind my Business. Ü
No comments:
Post a Comment