Wednesday, March 16, 2011

Anong kailangan mo?

"Matinding sikmura ang kailangan mo para matagalan ang balita gabi-gabi nang walang gagawin kahit ano, kahit man lang ang pagsusulat."

Kagabi nakanood ako ng balita. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakasulyap sa TV. Madami kasing ginagawa, hindi pwedeng mag-aksaya ng panahon.


Namalayan ko yung nangyari sa Japan. Kahit papaano naman ay nakatatanggap ako ng balita. Nung nakaraan ginabi ako sa pagkumpleto ng mga requirements ko, nanood tuloy ako ako ng Saksi. Doon ko nakita kung gaanong ka-grabe yung nangyaring pinsala. Nakakagimbal. Hindi ko lubos maisip na habang nasasaksihan natin mga Pinoy ang nangyari, marami pa rin sa atin ang ayaw manalig at manampalataya. Hindi natin alam kung kailan darating yung mga ganoong bagay. Tawag 'yon ng kalikasan, walang nakakasiguro sa atin sa paglusob nun. At isa lang ang pinakamabisang armas. Ang pagtitiwala sa lumikha. Walang iba pa.

May mga after shock pa rin pala hanggang kahapon sa Japan (base sa balita). Ngayon, oras na ng pagtutulungan. Kung alam mong may gagawa ka, kumilos ka. Nakakatulong ang kahit pa maliliit mong paraan. Nakakatulong ang pananalig mo, magdasal ka. Maniwala. Humingi ng tulong. Magpasalamat.

Ito ay hindi sapilitan. Ito ay bagay na ginagawa na bukal sa iyong puso. Bagay na talagang nais mo. Bagay na makakatulong sa iyo at sa kapwa mo, hindi pa huli ang lahat.

Mind my Business. Ü


No comments:

Post a Comment