Saturday, March 5, 2011

Entance exam


"Anong course mo?"
"San ka na nag-aaral?"
"Cutting tayo."

College. Kolehiyo. Mas mataas na edukasyon na magbibigay ng propesyonal na pagsasanay. Ilang araw na lang, college na 'ko. :(

Isa sa masasarap na experience na mararanasan mo sa Senior Year eh yung aabsent kayong magbabarkada para mag-exam sa trip niyong university. Naranasan ko na rin 'to. Isang beses nga lang. Madalas kasi akong mag-solo flight. Gusto ko kasing masubukan mag-exam (at pumasa) sa mga dekalidad na eskwelahan.

Unang-una kong exam, University of the Philippines College Admission Test.
Biglaan 'to. Choice ng parents ko, bawal umangal dahil magandang pagkakataon. Late na ko nakapagpasa ng form pero umabot. Ang sarap kasing pakinggan nung "sa UP ako nag-aaral". Nung dumating kami sa examination area napakaaga pa. Sinasabi ko sa'yo, early bird nga ako e. First college exam ko kasi yun. Natapos ang UPCAT ng napakasarap sa pakiramdam. Para kang nabawasan ng tinik. Pero nung makuha ko ang resulta nito lang, natatawa na lang ako tapos biglang napapatanong, "hinulaan ko ba ang exam?" Sa dami naming sumubok, dalawa lang sa mga eskwela ko ang pumasa. Pero okay na rin, atleast naranasan ko kung ga'nong kadugo ang exam nila.

Sumunod, University of the East College Entrance Test.
Eto talaga planado. Walo yata kaming umabsent 'nun o higit pa. Foundation week kasi ng UE, libre ang exam. Isa pa nailakad na ng ate ko yung form namin. Doon kasi siya nag-aaral. Sabay-sabay kaming nag-exam, hindi nga lang kami lahat magkakatabi. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng proctor namin 'non. Basta ang alam ko laganap ang kopyahan pero wala namang napagalitan bukod dun sa tumunog na cellphone. Nakakatuwa may orientation pa. Kaya nung nagpunta yung UE sa school namin, panay sagot kami. Alam na kasi namin ang mga sasabihin nila. Pumasa naman ako pero sinabi ko sa sarili kong "hindi ako dito mag-aaral."

Pangatlo, Lyceum of the Philippines College Entrance Test.
Noon pa man, pangarap ko ng makapag-aral dito. Super! Pero tanggap ko na ngayon na hindi pwede dahil hindi kaya. Kaya nung binigyan ako ng pera pang-exam, sinabi kong pabayaan na nila ko na kahit makapag-exam man lang sa pinapangarap kong eskwelahan. Pumayag naman sila. Naging ka-textmate ko pa nga yung nag-asikaso sa'kin sa LPU, inire-schedule kasi ako ng araw. Judgement day, December 4. De-kompyuter ang exam, ayos. Nakakatuwang mabasa yung buong pangalan mo sa screen. Okay naman ang exam, easy. *ehem* Naipasa ko ang tatlong choice kong college program. Sayang pero hindi talaga pwede. 'Wag na nating ipilit. Goodbye Lyceum, see you in dreams.

Pang-apat, Polytechnic University of the Philippines College Entrance Test.
Puyat pa 'ko nung gumising ako. Field trip kasi namin bago ang araw ng exam. Hindi na nga 'ko umuwi sa bundok naming bayan e, nakitulog na lang ako para hindi mahuli kinabukasan. Ang daming tao sa PUP, peksman! Hindi pa kasama dun yung mga nanay na hanggang gate lang ng University. 4th floor ang exam room. Sa grounds pa lang, inayos na ang pagkakasunod-sunod namin. Umakyat kami ng nakapila. Naks, disiplinado. Tatlong oras ang exam, nakakapawis. Pero okay rin katulad ng iba pang exam. Pinapanalangin ko talagang pumasok ako sa cut-off ng pinili kong kurso. Kung hindi man, kahit sa second choice na lang... na talagang mas gusto ko. Journalism kasi ang nilagay ko sa 1st choice kahit na mas gusto ko ang Tourism, na naging 2nd choice ko. Hindi kasi ako ang nasunod pero ginusto ko na lang rin. Dalawang linggo na lang, lalabas na rin ang resulta. *cross finger*

Panglima, Bulacan State University Admission Test.
Kanina lang ako nag-exam, 8:00AM. Kinabahan akong konti pero naagapan ko din naman. Dumating ako sa testing room ng nakaupo na yung mga estudyante. Pero swerte pa rin dahil hindi pa nagsisimula ang aktwal na exam. Akala ko late na 'ko eh, nung nasa kalahati na 'ko ng exam may dumatin pa. Walangya! Huhulaan niya kaya yung exam niya? Makakapag-exam pa kasi kahit late na ang kaso, para-paraan. Bahala ka sa buhay mo kung paano mo pagkakasyahin ang oras mo. Natapos ako 40mins. bago matapos ang oras. Pinasa ko na rin agad. Dapat nga mang-iinis pa 'ko ng mga nag-eexam para magahol sila. Pero mabait ako kanina. Hindi ko alam kung kelan lalabas ang resulta, magaling na bata.

May pang-anim pang exam na naghihintay sa'kin sa San Sebastian College Recoletos. Hindi ko lang alam kun kailan. Hindi pa yata kasi inaasikaso nung Guidance Counselor namin na nag-volunteer ipasa ang form namin. Alam kong mahal dun, pero gusto ko pang sumubok. Accredited kasi ang Tourism nila. Malay natin.

Masarap mag-entrance exam, experience din yun. 'Pag nakasubok ka na, hindi ka na masyado mahihirapan sa iba pang exam. Stock knowledge lang daw sabi nila. Pero minsan mas mainam na din na magbasa-basa. Hindi parang sweepstakes ang entrance test na tsambahan. Dito ka huhusgahan base sa mga natutuhan mo sa sampung taon o higit mo pang pag-aaral. Ito ang magsasabi sa'yo kung saan ka dapat lumagay pagdating mo sa kolehiyo. Pagharap mo sa panibagong buhay eskwela mo. Panibagong sakit ng ulo. :) Haay...

Mind my Business. Ü

2 comments:

  1. Hello. How's the exam sa Lyceum? May tips ka ba? Thanks.

    ReplyDelete
  2. Hi. Sorry for the late response. I suggest na reviewhin mo lang lahat ng basic from math, science, and filipino. The exam is easy. Huwag ka lang magpapadala sa kaba. :) AJA!

    ReplyDelete