Thursday, March 31, 2011

Maibabalik ba ang kahapon?

Mamimiss ko talaga ang fourth year life ko. Peksman!


Haaay. Closing party na kanina. Ang sarap kumain, kamayan. Kaya lang riot talaga, as in! Hahahaha. Sobrang gulo tapos sa isang iglap nawala lahat ng handa. Hindi na nga ko nakigulo sa dahon ng saging eh. Kumain ako sa takip ng tupperware. Tapos nung medyo maluwag na nakapwesto rin ako sa kainan, kahit papaano. Daming handa: Chicken with sarsa, chicken adobo, shanghai, hotdog, talong, itlog na pula, kamatis, manggang hilaw at hinog, saging.. atpb. Solb solb naman. Busog sila.. ako din.


Tapos nanood kami ng Video (VTR and slideshow). B
usog na e, busog pa sa drama. Grabe nakakatouch+nakakaiyak! Super reminisced. Ang sarap sa pakiramdam, kaya lang ang bilis ng panahon. Tapos na pala kami ng High School at ga-graduate na kami sa Saturday. :( Pero for sure, magkikita-kita pa rin kami. Sa ibang lugar, panahon, at pagkakataon. Hindi na kami High School pero papasok pa rin kami ng classrooms, magkakaiba nga lang. Merong naka-aircon na biniyayaan ng magandang facilities at meron ding magtitiyaga pa rin sa tinatawag nilang 'proper ventilation' (kahit na hindi talaga proper). Maraming nagtubig ang mata kanina bagamat magkikita-kita pa naman kami bukas. Nakakaloko. Di ba? :))

2 days na lang.

Mind my Business. Ü


No comments:

Post a Comment