Schedule of Interview
April 7, 8, 2011
8:30AM - 12:00PM
1:30PM - 3:30PM
Dean's Office 3rd/flr. CHE Bldg.
April 7, 8, 2011
8:30AM - 12:00PM
1:30PM - 3:30PM
Dean's Office 3rd/flr. CHE Bldg.
Nagsolo-flight na naman ako kanina. Maaga ang uwian, hindi ko sinayang ang pagkakataon. Nagpunta ako ng Malolos para malaman kung pumasa ko sa Unibersidad kung saan ako kumuha ng pagsusulit.
Nung Lunes pa lang, unang araw ng linggo, hindi na 'ko mapakali sa pagbubukas sa Internet at pagtingin kung nailagay na nila ang resulta. Hindi rin ako nakapaghintay kaya minabuti kong tumuloy na sa paaralan. Medyo matagal rin ang biyahe. Pangalawang beses ko pal ang sa Malolos kaya medyo nangapa rin ako. Okay naman. Hindi naman ako naligaw pero kinabahan ako. Hindi dahil sa biyahe kundi dahil hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nakita ko na ang resulta. Lalabas ba kong nakayuko? O ililibre ko ang sarili ko dahil sa may napatunayan ako? "Ma, para po." Bumaba na ko ng jeep. *dug-dug. dug-dug. dug-dug* Pumasok ako sa eskwelahan, sinita ng gwardiya at sinabing iwanan ko ang ID ko. Sumunod naman ako. Itinuro niya sa'kin kung saan ako dapat pumunta.
Malayo pa lang, natatanaw ko na yung mga nakasulat. "CHE", College of Home Economics. Nilapitan ko agad yun, nakakatuwa pumasa ko. YES! Pero hindi ko naman ipinahalata yun, medyo marami rin kasing tao. Nagpaikot-ikot muna ko sa pangalan tapos umuwi na rin.
Ang paglalakbay sa Malolos. Bow.

Mind my Business. Ü
No comments:
Post a Comment