Showing posts with label Books. Show all posts
Showing posts with label Books. Show all posts

Friday, July 20, 2012

I'm back to reading!


Nitong mga nakaraang araw, sumulyap, humapyaw, at nagbasa ulit ako ng articles, blog, libro, etc. Yung mga walang kinalaman sa pag-aaral ko. Pero sigurado akong saglit lang ulit 'to - malapit na kasi ang midterms.

Philippine History, taong 1998, panahon ni Erap

3 years old lang ako nun, ano namang malay ko sa panunungkulan niya? Siguro nung panahong yun, wala talaga kong alam. Pero ngayon, maraming pwedeng mabasa at mapanood. Pero hindi siya ang paksa ng post na 'to. Nung panahon kasi ng dating Pangulong Estrada, lumaganap sa Internet ang isang article na may pamagat na "Who Wants To Be A Filipino?" Nabasa ko ulit yung article nito lang. Binanggit dito ang hypocrisy at hindi magagandang bagay tungkol sa mga Pilipino at bansang Pilipinas. Pero hindi ako naniniwalang walang Pilipino na gustong maging Pilipino ulit. Yung ibang banyaga nga sobrang Filipino-at-heart, mas proud pa sa'tin eh. Feeling ko masyado lang pessimistic yung writer ng article, at naging O.A. ang pagkasulat niya. May mga aspeto din sa sinulat niya na non-sense. As in wala talaga. Hindi naman sa guilty o deffensive ako. I just find it very intriguing na umabot pa ko sa pagsusulat nito. Ang dami ko kasing gustong sabihin.

Siguro may parte ng pagiging deffensive 'to, pero mga 20% lang. Siyempre, Pilipino ako, dedepensa ako para sa bansa ko. At kung Pilipino man ang writer nung article (na hindi ko na babanggitin ang pangalan), shame on you! Nakakadiri ka.

Hindi ako naniniwalang walang Pilipino na gustong maging Pilipino ulit dahil kung ipapanganak ulit ako, gugustuhin ko pa ring maging Pilipino. Asian for particular. Gusto ko ang tan color ko, wala akong pakialam kahit napang-iiwan na ko ng mga nag-gluthatione. 'Eto ako eh!

Yung lugar natin. Kahit nababalot ng polusyon, baha, ingay at trapik ang Manila, okay lang! Hindi lang naman Manila ang bumubuo sa Pilipinas. Napakarami pang magagandang lugar, sariwang hangin, tahimik na paraiso, bundok at kalsadang traffic discipline zone sa atin. Libutin mo ang Pilipinas, kapatid! 

At ang pinakahigit sa lahat, ang mga Pilipino. 17 years ng buhay ko 99.9% pure Filipino ang kasama ko sa buhay. Sa paggising, pagbiyahe, pagpasok, pagkain, at kung anu-ano pa. Marami-rami na ring tagumpay na Pilipino sa iba't-ibang larangan. Oo, minsan nakakatakot yung mga kapwa mo dahil hindi naman lahat mabuti pero sa dinami-dami-dami-dami ng mabubuting Pinoy, natatabunan ang kasamaan. Maniwala kayo sa'kin, kahit estranghero ako, may mabubuting Pinoy around. Minsan, pag magtatanong ng lugar, hindi pa ko napahamak.

At marami pang ibang dahilan. Basta I'm proud Filipina. 
mindmybusiness.

Wednesday, December 28, 2011

Para Kay B

Kasalukuyang binabasa...


Mind my Business.Ü

Wednesday, December 21, 2011

Wag Lang Di Makaraos ni Eros Atalia




MAAGANG BASAHIN. KUNG MATINIK AY MALALIM.

Maagang basahin, kung matinik ay malalim. Ang dagli sa panulat ni Eros Atalia ay may iba-ibang anyo at pakay. Nagpapatawa, nanggugulat, nakasusugat, parang bato-bato sa langit, ang tamaa’y lihim na ginagalit. Kung lilingunin ang kasaysayan ng dagli bilang anyong pampanitikan, makikitang bago ang hipo ni Ero sa anyong noong namalasak sa mga diyaryo mga unang taon ng Siglo 20. Tunay na manlilikha ng Siglo 21 si Eros – maláy siya sa ugali, galaw at gaslaw ng panahon at ang ganitong kamalayan ay siyang tiyak na aakit sa mga mambabasang kabataan.

Basahin si Eros at sakaling talaban ng kanyang mga dagli, namnamin ang lalim na magpapaalaala kung paano ang mabuhay sa ating matinik na panahon.

- Bienvenido Lumbera (Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan)

Tapos ko na ‘to! Kudos sir Eros!

Mind my Business.Ü

Friday, December 9, 2011

Lumayo Ka Nga Sa Akin


Warning: The content of this post is not a book review, book summary, or a spoiler. (Pero may mapupulot naman sa post na ito.)



December 09, 2011. Ngayon pa lang ang release sa Pandayan Bookshop ng bagong librong kagigiliwan ng mga anak na kinagagalitan ng mga magulang dahil ayaw huminto sa pagbabasa ng pink na libro na dahilan kung bakit hindi nila ito mautusan. (Hindi ba dapat ay matuwa pa ang mga magulang natin at nagbabasa tayo?) Kung isa kang BobO fan (Bob Ong), malamang alam mo ang librong tinutukoy ko.

December 11, 2011 ang talagang release ng libro. Pero dahil may mga fan na pabalik-balik sa bookstore at nangungulit sa staffs (na nagpakgrro (na hindi nila alam na bawal pa), at may iba namang sadyang may stock na pero limited. At sa kabutihang palad na nakasalo ako ng kabutihang palad kahapon, nagkaroon ako ng kopya ng limited na libro. Kaya lang hindi ako ang bumili. (Pero hindi na po ako magrereklamo at nagpapasalamat ako sa sponsor ko!)

Para na rin makatulong ako sa iba pang walang kopya ng Lumayo Ka Nga Sa Akin, narito ang ilang lugar na pwede niyo ng bilhan ng libro. (Ito po ay ayon na rin sa iba ng may kopya ng nasabing libro):
SM Rosales
SM Megamall
SM Manila
SM Dasmariñas
SM Mall of Asia
SM Marilao
SM Fairview
Ali Mall (National Bookstore)
Recto (National Bookstore)
Cybermall (Eastwood)
Shangri La (Edsa)
Gateway (Cubao)
(c) Kung meron na sa lugar niyo, mas maganda kung sasabihin niyo sa'kin. (Mag-comment kayo dito sa post ko) Para na rin malaman ng iba pang walang kopya. Pwede rin namang tumawag kayo sa pinakamalapit na Pandayan Bookshop, National Book Store, Fully Booked, at Powerbooks Store sa inyong lugar.

Kung wala pa talaga, hinay-hinay lang muna. Aabot rin 'yan sa inyo. Iwasan niyo na lang din munang mag-online at makuntento na lang sa mga spoiler. At dahil na rin nabanggit sila (mga spoiler) at dahil na rin sa ginagalang ko si Master Bob, katulad ng dati, hindi ako magpapaka-spoiler. (At hinding-hindi ko 'yon gagawin. Loyal fan kaya ako, Peksman. Mamatay ka man!) Oops.

Ganito, sabihin na lang natin na 'IN' pa din si Master Bob. May mga artista kasing sumikat pero nawala agad, banda na magaling pero naglaho din. Si Master yata hindi malalaos eh. Sabi nga, 'IN' for all generation! Doon ako sobrang hanga sa kanya dahil na rin nahikayat niya ang mga kabataang katulad ko na magbasa ng libro.

Nakatapos na naman ako ng libro mo, kaya ano pa ba? Sana may 10th, 11th, 12,.... eternity.

Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong ito na pigilan na ang mga nagee-book, lalo na ng BobOng books. Please. Stop piracy! Just support Filipino authors. At pati na rin sa tumatangkilik ng e-book: 'Wag na please, masakit sa mata!

Kudos Bob Ong for another great masterpiece!

CREDITS

FADE OUT

Tapos lalabas na ang mga tao sa sinehan at magsisigaw sa microphone ng "Number 1! Number 1! Number 1!"

Mind my Business.Ü

Sunday, June 12, 2011

Bye vacation, hello university!

Vacation? It's ending soon! Very very soon. So, before going to pack my things and go back to schooling, I will summarize how FULL my vacation was! :)

So I will tell 3 things: What I have watched, what I have read, and what I did yesterday...

1. What I have watched?
For almost 2 months, I enjoyed consuming a lot of energy, radiation, etc. That was bad, though really great! So I'd finished watching 3 koreanovelas namely My Princess, My Girlfriend is a Gumiho, and my FAVORITE (of-all-time) Secret Garden.

I also watched movies. Actually it’s 19 movies: A Millionaire’s First Love, Hello Schoolgirl, You Again, Grown Ups, Scary Movie 4, Saw VI, Death Note, Death Note II: The Last Name, Death Note III: L Change the World, Eat Pray Love, Mirrors 2, Salt, Who’s that Girl?, Bride Wars, A Crazy Little Thing Called love, 100 Days with Mr. Arrogant, Easy A, and Kasambuhay Habambuhay.

I love movies! It’s the best past time yet good for relaxing and bonding moments.

2. What I have read?

I finished reading “Dekada ‘70” and “Bata, Bata, Pa’no ka Ginawa?” by Lualhati Bautista. I also read Andres Cristobal Cruz’s “Ang Tundo Man May Langit Din.” And I posted a review here.

I love reading books especially Bob Ong's! Because of him I supported Filipino authors. So, if there’s a free time, I always read those books again and again.

3. What I did yesterday?

Yesterday was a very amazing day! I went to Ortigas with my friends. We watched Nestle’s short film anthology: Kasambuhay Habambuhay.

Nestle, celebrating its centennial year, made a short film anthology consisting of 10 exciting short film. “The directors pitched stories of various genres for the roster of brands BEAR BRAND Powdered Milk Drink, NESCAFÉ, MILO, NESTEA, NIDO, COFFEE-MATE, MAGGI, BEAR BRAND Sterilized, NESTLÉ ICE CREAM, KOKO KRUNCH, NESTLÉ Fruit Selection Yogurt and NESTLÉ FITNESSE. The exercise yielded a spectrum of stories – some personal, others experimental, but every single one so colorful and unique. But there could only be one story per brand. After a difficult process of selection, ten stories were selected which vary from drama, romantic comedy, musical, fantasy, satire, family comedy, suspense, adventure, mock-umentary and a Shakespearean parody.” I really enjoyed this short film! I watched it not because I just want so, but because I don’t want to wait for another 100 years! Kudos to Nestle Philippines!

And to my friends that went with me yesterday: I love them sooooo much! They made my day. And I gonna missed them a lot (since we're in different universities)!

Summer is so over, and vacation too! That's it! I think I need to ready for tomorrow's class. Yay. BIG Good luck for myself!

Mind my Business. Ü

Friday, June 3, 2011

Ang Tundo Man May Langit Din

Spoiler!

“Tiyakin mong sarili mo,” wika ni Victor. “Tiyakin mong natgpuan mo na ang langit para sa iyong daigdig.”

“Ikaw,” walang gatol na tukoy ni Alma, “ikaw ang langit ng aking daigdig.”

“Talaga?” nakatawang biro ni Victor at kunwari’y tinitignang tinitiyak si Alma.

“Talaga.”

“Baka naman kung tinotoo kita’y tumalikod ka.”

“Di subukin mo,” ganting nakangiti ni Alma.

“Sa Sabado,” wika ni Victor, “pupunta ako sa inyo. Sabihin mo sa tatay mo, e, sa Daddy mo, huwag siyang aalis ng bahay.”

“Ano’ng gagawin mo?”

“Sasabihin ko sa Daddy mo, puwede ba’ng tangayin muna ‘tong anak n’yo?” wika ni Victor na kunwari’y kausap ang Daddy ni Alma.

Natawa si Alma. “Ganoon lang, a!”

“Tapos sasabihin ko sa kanya, “Mister Fuertes, wala kayong magagawa, patay na patay sa akin ang inyong anak,” patuloy ni Victor.

Simula nang mabasa ko ang kabanata 42 ng Ang Tundo Man May Langit Din sa textbook ko noong high school, nagkaron ako ng interes na mabasa ang buong libro. Hindi ko kasi matumbok yung mismong nilalaman, hindi ko masyado naintindihan kung bakit ganito at kung bakit may ganyan. Isang kabanata lang kasi ang nasa libro namin, nai-report ko rin ito kaya lalo akong nagkaroon ng will na mabili at mabasa ang libro. Pero hindi ko kaagad nagawa ‘yon. Isang beses ko lang kasi nakita ang librong ‘to sa bookstore. Pagkatapos ‘non, palagi na niya ‘kong tinataguan. Buti na lang nitong nakaraan, nakahanap ako ng kopya. At syempre, binili ko. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon.

Karamihan sa mga nakabasa nito ay inihambing ang nobela sa natatanging nobelang Noli Me Tangere. Pero sa aking pagsusuri, sa lipunang kinalakhan ni Victor ay iba sa lipunan ni Ibarra. Naging matatag si Victor, lumaking may pag-asa, may sariling paninindigan, may pangarap, at hindi nabigo. Siya ay isang normal na tao lamang na umibig, nasaktan, nagtiyaga, at nagsumikap. Pilit niyang hinanap ang kanyang langit hanggang sa mapatunayan niya sa sarili na Ang Tundo man, may langit din.

Kudos para kay andres Cristobal Cruz!

Mind my Business. Ü

Tuesday, January 11, 2011

Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling ako.

Sabi nga ni Steven Seagal kay Tommy Lee Jones sa Undersiege "We are all puppets serving the same masters."


First time. Sumubok ako ng ibang librong gawang Pinoy. Kapag kasi pumupunta ko ng bookstores at lumapit ako sa book shelf, isa lang ang pakay ko; ang libro ni Master. Tawagin na lang natin siya sa pangalang ginagamit niya sa pagkukubli ngayon, Bob Ong. Sa kanya ko natutong magtiyaga at magbasa ng librong hindi naman recquired basahin sa paaralan. Wala akong tiyaga dati (nasubukan ko na rin kasing patulan ang mga True Philippine Ghost Stoies, Precious Herat Romance, at iba pa) pero natuto ako ngayon na magmahal sa paggamit ko ng pagiging literado ko.

Balik sa first time..
Hindi naman sinasadya, dahil naghihikahos ako ngayon at walang planong bumili ng mga bagay-bagay na ayon lang sa luho ko. Kuntento na naman ako e.. dapat. Kaso yung kaibigan ko dinala ako sa bookstore, hindi ko alam na kasama yun sa plano. Ang usapan e sasamahan lang namin siya sa mall. Pagdating sa bookstore, naghiwalay kami. Pumunta siya sa pwesto kung saan niya kukunin ang bibilin niya. Ako, naiwang nakatunganga sa bookshelf. Tapos na siya at ako nandoon pa din.

"Anong gusto mo?" Nilapitan ako ng kaibigan, aba. Naghahamon yata 'to.
"Gusto ko ng libro, ibibili mo ba 'ko?" Pabiro yung sagot ko, promise. Pabiro.

Hindi ko alam kung anong espiritu ang lumapit sa'kin, sumakay naman ako sa tsubibo ng kalaro. Hanggang sa binitawan ko yung libro. Nagturo ako ng iba. (Bakit Baligtad Magbasa ng Libro Ang Mga Pilipino?) Ayaw niya nun. Gusto ko yun. Ang katwiran ko, nawala kasi yung ganun ko, winala. Hindi ko na ka'ko kumpleto yung libro ni Master. Ayaw niya nun. Nabasa na daw niya. Ang gusto pala niyang mangyari e bibili ako ng libro tapos ikukwento ko sa kaniya. Wow. Kwentong barbero baga. Balik sa unang librong hinawakan. Hinamon ulit ako.

"Gusto mo ba talaga yan?"
"Bibilin mo ba?"
"OO."
"Talaga? Promise?" Aba! Talo na yata ako.
"Oo nga."
"Talaga nga, promise?"
"Oo nga ang kulit. Ayaw mo di 'wag."
"Sabi na e, yung totoo nga kasi. Bibilin mo ba?"

Paulit-ulit. Ayoko kasing maniwalang bibilhin niya. Masyadong mahal ang libro. Isa pa, quits na kami nung Pasko. Hindi ako nanawa sa pakikipag-usapan. Huminto ang tsubibo at ako ang nahilo. Binili niya ang libro. Hindi naman matapos ang pasalamatan. Para kong batang bumaba ng tsubibo at isinakay sa carousel sa tuwa. Hindi lang halata.

Balik na ulit sa first time, promise. Eto na talaga.
Nung una, hindi ko maunawaan kung bakit andaming pinapasalamatan ni Eros. Artistahin. Natawa ko nung sinabi ng isang director ang "Humanda ka, Bob Ong!" kahit na hindi naman layunin nito ang patawanin ang mambabasa. Ilang pahina na rin bago pa man mapunta sa unang parte ng kwento. Nabitin nga lang ako kung bakit nagkaganoon. Sayang. Sana tinapos niya hanggang sa nagtatrabaho na siya. Mahilig pa naman ako sa non-fiction. Gusto ko palagi ng katotohanan. Nagbabasa naman ako ng nobela pero gusto ko yung isang basahan lang, nakakabitin kasi kapag hindi mo tinuloy.

Pagdating sa pangalawang parte, medyo bigo ako. Hindi sa pangit, pero hindi ako nagandahan. Hindi kasi yun ang inaasahan kong sirkulasyon ng libro. Siguro ay iba-iba lang talaga ang panlasa ng mambabasa. Depende sa takbo ng utak nito.

Pero sa kabuuan, okay naman! Nakatutuwa dahil ikinukumpara siya kay Bob Ong pero nakita ko ang seryosong mukha ni Eros Atalia nang ibang-iba sa pagseseryoso ni Bob. Kudos to you Mr. Eros S. Atalia!

70% GOOD. Keep it up.
Sa susunod, titikim ulit ako ng ibang libro. Ibang manunulat at ibang istilo. Pero hindi ko sila ibabagsak, hihilahin pababa, at i-endorso na huwag tangkilikin ang gawa nila.
I support Filipino authors!

Mind my Business. Ü

Saturday, January 8, 2011

Three post in One day.

"Naniniwala akong walang manunulat na kahit isang beses sa buhay n'ya e hindi nagkasala ng panggagaya." - Bob Ong

"Naniniwala din ako." - Hyacinth Los Ba
ñez


Buong post, postscript.

Nga pala, nakalimutan kong sabihin. Isa sa mga dahilan kung bakit ayoko munang magsulat (paminsan-minsan) ay dahil nagbabasa ko ng libro. Hindi lang libro ni Bob Ong, sinusubukan ko din tumikim ng ibang librong Pinoy paminsan-minsan. Pero hindi yon nakakatulong sa pagsusulat ko, hindi! Dahil ayokong makulong sa titulo at istilo ng mga librong binabasa ko. Mahirap umiwas, temptasyon 'yan eh. Mas nauna ko kasing ginawa yung pagbabasa, mas nauna ko rin yun gawing libangan. Ayoko na yun i-taken for granted pa. Sa huli, babalik at babalikan ko din yung mga yon. Pero hangga't kaya ko i-maintain 'to kasabay ng pagbabasa ko, edi ayos. Multitasking. :)

Mind my Business. Ü

Thursday, December 23, 2010

Oxygen II.


Last night naabutan ko si Anna Ida. Hindi ko pa pala siya napapakilala dito, siya yung nagsusulat ng fancfic tungkol sa JamLi. :) The best.
So ayun, tinanong ko siya tungkol sa Oxygen II, ayan sabi niya. SOON.
Cant wait. :D

Anna Ida's Fan Fictions

Mind my Business. Ü


Monday, December 20, 2010

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.

































Nung linggo ko pa tapos basahin ang libro, pero ngayon lang ako magkukwento.

Nakakuha ako ng opisyal at sarili kong kopya ng Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan noong huwebes ng gabi. Buti na lang, madami pang stock. Hindi kaagad ako nagkaroon ng oras para magbasa pero nung hinawakan ko ang libro natapos ko hanggang huling pahina.

Simula ng matuto akong magbasa ng libro ni Bob Ong, hindi ko pinalaki ang sarili ko sa layaw. Iwas ako sa pagbisita sa mga Fan Page at Discussion Board ng libro. Isa lang ang karamay ko no'n, Google Translator. Hindi naman kasi lahat ay nakakaintindi ng Latin at kakaiba ang ika-walo. Hindi mo pwedeng sabihing "solve na 'ko." Ikaw ang gagawa ng sarili mong konklusyon at papaganahin mo ang naipon mong imahinasyon. Ikaw lang ang gagalaw at kailangan mong sang-ayunan ang gawa-gawa mong kwento para may maipakita kang katapusan. Ganun na lang ang nangyari, pero dahil Hi-Tech na tayo ngayon ay pwede ka ng makipagpalitan ng kwento mo sa sarili mong mambabasa sa isang pindot lang... at kung minsan, isang pindot lang din ay sagot na ang kababalaghan sa utak mo. Malalim ang kwento, may pilit ipinahihiwatig na dapat mong ma-arok nang hindi ka pinanghihinaan dahil pinangungunahan ka ng takot mo.

Aaminin ko ang totoo. Hindi ako nagmamayabang, pero ng natapos ko ang kwento. Hindi talaga ko kinabahan. Ang una pang pumasok sa isip ko parang kulang yung pahina, pero hindi. Ganun na lang talaga. Nang matapos na 'kong magbasa, tsaka ko sinubok magbasa ng sinasabi ng utak ng iba. At natutuwa ako, dahil minsan naaarok nila ang lalim ng istorya... at doon pumasok ang takot ko. Hindi ko makontrol ang imahinasyon ko dahil sa mga sinabi nila. Pero maganda na rin yon, dahil may natutunan akong bago kaysa sa mga bagay na alam ko. Sa katunayan, tinapos kong basahin ang lahat ng wall post sa Fan Page na ito (http://www.facebook.com/pages/Ang-Mga-Kaibigan-ni-Mama-Susan/172646046087640?v=wall). Masipag akong magbasa e. (Ehem!)

Silent reader ako. Hindi ako magre-react sa mga bagay na mababasa ko, lalo na sa fan page na 'yon. Ewan. Gusto ko akin na lang yung nalalaman ko dahil alam kong hindi ko naman dapat ipangalandakan ang lahat. Kaya minabuti ko rin na dito magsulat. Para wala gaanong reaksyon at para mapanatili ko ang kapayapaan sa post ko. Hindi rin ako magbabanggit tungkol sa nabasa ko sa libro, iyon ay bilang respeto sa taong sumulat nito at para sa kapakanan ng mga taong hindi pa nakababasa nito.

Kung gusto mong malaman ang istorya at talagang hindi ka na maaawat. Pwes, magtiis ka. Pagkatapos no'n bumili ka ng libro at siguraduhin mong babasahin mo ito. Hindi lang 'yon, siguraduhin mong sa bawat paglipat ng pahina ay naintindihan mo ang ipinahihiwatig ng librong hawak mo.

Iyon lamang. Maligayang pagbabasa!

Mind my Business. Ü

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.