Showing posts with label Weird. Show all posts
Showing posts with label Weird. Show all posts

Wednesday, September 5, 2012

Skirt, so bored


Hey. What's up everyone? 

You know I just found out that everytime I blog, I do lame excuses saying "sorry Iv'e been busy." But that's always true because I got too many things stock on my head to-do. I'm busy on school cause the supposed to be midterm "week" got extended for a month. And it 's been a tough road I'm taking on right until now. But I still have time to relax, sleep (yes, but I slept 2-3 hours the night before exams) and do my things. And last Sunday, I've been very bored so I play with my clothes and do some stupid and weird things. 

My attempts to fly, so fail. I jump shot my self through camera timer. Haha!

Because of my weirdo-ness, I even found a skirt I can use on the convention I'm going to attend next week.

It ends here for now. I still have files and midterms to pass to. Hope September will be awesome! 

PS This is gonna be my first fashion post with label but I have done a DIY fashionable shirt before, check it out here.

mindmybusiness.

Friday, May 25, 2012

Second wind!


May mga bagay na hindi natin maiintindihan hangga’t hindi tayo nagiging involve. Minsan kailangan mong pumasok sa kahon ng eksena para malaman ang paksa nito. Hindi ko sinasabing kailangan mong subukan ang lahat ng bagay para malaman kung ano ang meron dito. Mayroon lang talagang mga iilan na malalaman mo lamang kapag sinubukan mo o pinag-aralan.  Ito ang natutunan ko sa Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik at Sosyolohiya noong second semester.

Hindi madalas magturo ang Prof ko sa Filipino. Pumapasok siya, oo. Pero mas madalas ang kamustahan, kwento at kalokohan. Wala ako masyadong naaalala sa subject niya dahil wala naman lagi doon ang paksa. Pero bago matapos ang semester namin, nakita ko ang punto niya na matagal ko nang hinahanap. Final requirements namin sa kanya ang mga papers at isa doon ang interview na parang ‘short’ field research. Mainit ang usapan noon tungkol sa mga maintenance ng university na matagal nang naninilbihan at bigla na lamang tinanggal sa posisyon. Kasalukuyan silang nagpoprotesta sa Main campus namin, ilang buwan na rin sila doon. Nung binigyan kami ng pagkakataon na makapanayam sila doon ko lang naintindihan kung gaano kahalaga ang trabahong iyon sa kanila. Kung ano na ang nangyayari sa mga pamilya nila at kung ano pa ang haharapin nila pagdating ng bukas. Doon ko lang naintindihan ang mga punto nila, opinyon at saloobin. At buong puso nilang ipaglalaban ang karapatan nila lalo na’t alam nila kung ano ang tama. Malamang nawi-weirdohan na kayo sa pinagsasabi ko. Pero dito ko naintindihan ang mga bagay na hindi nakikita ng pananaw ng isang indibidwal.

Ganito rin sa Sociology. Weirdo rin ang tingin ko sa prof ko dati. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa yun sabihin at kailangan pa namin yun pag-aralan. Pero pagdating ng finals namin, nag-back read ako. Lahat ng notes, photocopy at libro ko binasa ko. Doon ko naintindihan lahat ng pinagsasabi niya simula nung una. Nakita ko ang ideya ng pinag-aaralan namin at hindi ko na maalala kung ano yung pananaw ko dati noong hindi pa ako aware sa subject matter na ‘to. Paminsan-minsan nakakalimutan ko din yung kahalagahan ng sosyolohiya pero may isa pa itong tinuro sa akin ng hindi sinasadya. Madalas kasi banggitin ang Marxism sa subject na ‘to at doon ko nalaman yung koneksyon nito sa mga activist o aktibista. Malalim pala yung pananaw ng mga taong ‘to at talagang may pinaglalaban sila. Dati may narinig ako na may point naman daw ang mga aktibista kaso pointless. Siguro biruan lang iyon nung narinig ko pero tumatak talaga yun sa isip ko. Hanggang sa napag-aralan namin kung bakit sila ganoon. Ngayon, mas madaling sabihing nauunawan ko na sila.

Madalas kasi tayong nasa comfort zone kung saan hangga’t natutugunan natin ang mga pangangailangan natin ay okay na. Hindi alam ng ilan na dapat maging parang ibon tayo. Dapat tayong lumipad ng matayog at sa bawat paghinto natin sa mga puno, may mapulot dapat tayong aral. Ilan lang ito sa mga naranasan ko ngayong second semester. Malayo pa ang lalakbayin ko. Madami pa kong liliparan. At sana katulad ng pagpapaalala ko sa iba na lumipad ng matayog ay makasabay sana ako sa hangin, malayang makalipad at makapagbaon ng lakas ng loob na sumabay dito. Marami pa kong nais at marami pa kong matututunan.

mindmybusiness.

Wednesday, December 21, 2011

Are you bored?


Bored ka na ba sa Facebook, Twitter at Tumblr? Sawa ka na bang maglaro, magrepost at makibalita sa bagong update ng paborito mong artista? Nandito na naman ako para muling magbigay ng tip (na hindi ko alam kung may sumusunod) para mabawasan ang paulit-ulit na pangyayari at kaburyohan mo sa pag-istambay sa internet world.

1. Open your PC/laptop/ipad. Click your web browser. Open youtube.com and type ‘nigahiga’. Watch his videos.

Trivia: Nigahiga is a popular YouTube channel created by Japanese-American Ryan Higa (born June 6, 1990 (age 21)). Since relocating to Las Vegas to study filmmaking at UNLV, Higa's videos are either solo efforts or videos with other people such as KevJumba. They are known for their YouTube comedy videos, which have been viewed over 1.03 billion times. As of December 2011, Higa's YouTube channel, nigahiga, has over 4.7 million subscribers, and is the second most subscribed YouTube channel of all time, surpassed only by RayWilliamJohnson. (c)

2. Open your PC/laptop/ipad. Click your web browser. Open youtube.com and type ‘Funemployed’. Watch all the episodes.

3. Open your PC/laptop/ipad. Click your web browser. Open youtube.com. Type marcelosantosiii. Watch his heartwarming short stories on videos.

4. Open your PC/laptop/ipad. Click your web browser. Open mysoju.com. Watch asian movies and/or dramas.

5. Open your PC/laptop/ipad. Click your web browser. Open shewassoshock.blogspot.com. Read all her post to kill time. Then, kill yourself. (kidding!)
Hindi naman ako ganun kasama magpayo (but maybe the last tip’s a little bad). And I hope, with these tips, you can waste your energy much better. Haha.

Mind my Business.Ü

Wednesday, June 8, 2011

A Weird Dream

“Sorry, Emil. Sinaktan ka ba nila?” paalalay ko pang itinayo si Emil nang sandaling maka-alis na ang mga nakabunggo niya.

“Hindi naman, okay ako. Mukhang sila pa nga ang napuruhan ko.”

Nakakawala ng gana makita ang taong mahal mo na nasasaktan ng dahil sa’yo. Wala akong masabi sa kanya, hindi ko man lamang siya napapasalamatan. Palagi na lang siyang napapahamak ng dahil sa’kin. Nahihiya na ‘ko. “Sorry talaga.”

Inakbayan niya ko, “‘wag mo ng isipin. Sabi sa’yo hindi naman ako nasaktan, e.” malambing si Emil, pilit niyang pinagagaan ang loob ko. Mabait siya. Simula nang naging kami, hindi niya ko hinayaang maging malungkot o hindi komportable. Gagawin niya ang lahat para sa’kin... kahit sobra na, kahit mahirap.

Patuloy kaming naglakad papunta sa paborito naming kainan na parang walang nangyari. Nang marating namin ang karinderya, tinignan niya ko. Sinusuyo ako ng mga tingin na ‘yon, para bang gusto niyang sabihin sa’kin na “wag ka ng mag-alala.” Nginitian ko siya at sinuklian ko ang mga tingin na ‘yon ng mahigpit na yakap.

“Tara na, kakain na tayo.”

Naupo kami sa pinakasulok na upuan ng karinderya, sa palagi naming pinupwestuhan. Um-order na siya. “Aling Delia, dalawang palabok, monay tsaka softdrinks!”

“Balot ba?” sigaw ni Aling Delia.

“Di. Dito ho kakainin.” bumalik na siya sa inuupuan namin.

“O, ano bang hinahanap mo? Kapkap ka ng kapkap d’yan sa pantalon mo.”

“Faye, naiwan ko yata ‘yung bibigay ko sa’yo.” nadulas na si Emil, may ibibigay pala siya sa’kin. Kaso naiwan niya, kaya nasabi niya. “Kailangan ko ‘yun balikan!”

“‘Wag na! Tsaka mo na lang bigay. Pupunta pa tayong Fort Santiago, ‘di ba?”

“E! Babalikan ko, dito ka muna ha? Kumain ka na. Tapos um-order ka pa kung gusto mo. Basta dito ka lang. Babalik ako.” sabay takbo ng mabilis ni Emil. Hindi ko na siya napigilan. Tinanaw ko siya, pero mabilis rin siyang nawala sa daan. “Mukhang importante ‘yung ibibigay niya ah?” nasabi ko sa sarili. Bumalik na lang ako sa pwesto namin.

“Nako, naiwan niya pala ‘yung cellphone niya!” sa sobrang pagmamadali hindi niya rin siguro napansin.

Kumain na lang ako. Maya-maya pa, naubos ko na ang palabok at monay na in­-order niya. Hindi pa rin nagagalaw ang palabok at monay na in-order ni Emil para sa kanya. Tinakpan ko na lang ng plato ko para hindi langawin, tinupi ko rin ang straw ng softdrink niya. At dinahan-dahan ko ang pag-inom ng softdrink ko. Mag-iisang oras na, wala pa rin si Emil. Konting oras na lang at mag-aalasais na, hindi na kami aabot sa Fort Santiago. “Napakatagal naman niyang bumalik. Ano na kayang nangyari?” may pag-aalala na sa boses ko nung sinimulan kong magsalita sa sarili.

Dumungaw ako sa may labas ng karinderya, may mga kabataang nagtatakbuhan, nagmamadali. Parang may eksena silang ayaw palampasin.

“May niresbakan daw ‘don! Nakaitim na t-shirt ‘yong lalaki.”

“Nag-iisa lang daw.”

“Binuhusan daw ng asedo!”

“Tara!"

Kinilabutan ako sa mga sinasabi nila. Bumalik ako sa pwesto namin, dumaan ang pusang itim at nabunggo nito ang mesa. Tumapon ang softdrink ni Emil. Nabasag ang bote. Lalo akong kinabahan. Kinuha ko ang gamit ko at cellphone ni Emil, mabilis akong lumabas.

Sinundan ko ang mga kabataan, ang direksyon na pinuntahan nila ay ang pinanggalingan namin kanina. Nagdahan-dahan ako. Sa paglalakad ko, biglang may humila sa kamay ko papunta sa puno sa may kanto. Laking gulat ko, “si Emil!” Totoo ang sinabi ng mga kabataan, at ang lalaking naka-itim na t-shirt ay si Emil! Iba na ang itsura niya. Nabuhusan nga siya ng asedo, sa may bandang kaliwang tenga pababa hanggang sa leeg. Hindi ko akalaing totoo ang nakikita ko! Hawak niya ang kamay ko, gulat na gulat ang mga mata ko. At siya, binabasa niya ang pagtingin ko.

Bigla niya kong binitiwan, “EMIL!” Malakas ang sigaw ko. Tumakbo siya ng napakabilis. Simula ‘non, hindi na ulit kami nagkita.


HEY BLOGGR. ;)
Share ko lang. Hindi ko alam kung itutuloy ko pa 'to, 99% here is a part of my dream. It's kinda weird. Hindi ko alam kung bakit ako nanaginip ng ganito. Pero I think, I must write it. So, ayan. Medyo klinaro ko lang. If there's much time, madudugtungan ko pa 'to. Let's just see.


Mind my Business. Ü