Friday, June 3, 2011

Ang Tundo Man May Langit Din

Spoiler!

“Tiyakin mong sarili mo,” wika ni Victor. “Tiyakin mong natgpuan mo na ang langit para sa iyong daigdig.”

“Ikaw,” walang gatol na tukoy ni Alma, “ikaw ang langit ng aking daigdig.”

“Talaga?” nakatawang biro ni Victor at kunwari’y tinitignang tinitiyak si Alma.

“Talaga.”

“Baka naman kung tinotoo kita’y tumalikod ka.”

“Di subukin mo,” ganting nakangiti ni Alma.

“Sa Sabado,” wika ni Victor, “pupunta ako sa inyo. Sabihin mo sa tatay mo, e, sa Daddy mo, huwag siyang aalis ng bahay.”

“Ano’ng gagawin mo?”

“Sasabihin ko sa Daddy mo, puwede ba’ng tangayin muna ‘tong anak n’yo?” wika ni Victor na kunwari’y kausap ang Daddy ni Alma.

Natawa si Alma. “Ganoon lang, a!”

“Tapos sasabihin ko sa kanya, “Mister Fuertes, wala kayong magagawa, patay na patay sa akin ang inyong anak,” patuloy ni Victor.

Simula nang mabasa ko ang kabanata 42 ng Ang Tundo Man May Langit Din sa textbook ko noong high school, nagkaron ako ng interes na mabasa ang buong libro. Hindi ko kasi matumbok yung mismong nilalaman, hindi ko masyado naintindihan kung bakit ganito at kung bakit may ganyan. Isang kabanata lang kasi ang nasa libro namin, nai-report ko rin ito kaya lalo akong nagkaroon ng will na mabili at mabasa ang libro. Pero hindi ko kaagad nagawa ‘yon. Isang beses ko lang kasi nakita ang librong ‘to sa bookstore. Pagkatapos ‘non, palagi na niya ‘kong tinataguan. Buti na lang nitong nakaraan, nakahanap ako ng kopya. At syempre, binili ko. Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon.

Karamihan sa mga nakabasa nito ay inihambing ang nobela sa natatanging nobelang Noli Me Tangere. Pero sa aking pagsusuri, sa lipunang kinalakhan ni Victor ay iba sa lipunan ni Ibarra. Naging matatag si Victor, lumaking may pag-asa, may sariling paninindigan, may pangarap, at hindi nabigo. Siya ay isang normal na tao lamang na umibig, nasaktan, nagtiyaga, at nagsumikap. Pilit niyang hinanap ang kanyang langit hanggang sa mapatunayan niya sa sarili na Ang Tundo man, may langit din.

Kudos para kay andres Cristobal Cruz!

Mind my Business. Ü

3 comments:

  1. pwede po bang magtanong kung san ko po mkkta ung buong nobela

    ReplyDelete
  2. Bumili po kayo ng kopya ng libro sa pinakamalapit na bookstore sa bayan niyo. :) Sa kahit saang book store available, NBS, Pandacan, etc.

    ReplyDelete
  3. buod Po ba yan ??

    ReplyDelete