Tuesday, March 8, 2011

"EWW"

"Nakapag-exam ka na nga para sa College... sigurado ka na ba na ipapasa ka sa High School?"

Hahahaha. Ewan ko ba. Minsan talaga ang sarap mangbara.
Bakit ba ang hirap ng Final Examination? Tipong sasabog yung utak mo sa kakakabisado ng mga terms na hindi mo naman maalala kapag aktwal na test na. Nakaka-pressure.

Ilang araw na lang... konti pa.

Isang linggo ko nang naririnig sa mga teachers ko yung sinasabi nilang crucial state. Para bang sa apat na taong inilagak mo sa high school, ngayon lang yung pagkakataong huhusgahan ka nila base sa kakayahan mo. Kung anong kakayahan mo at kung meron ka bang kakayahan. Hindi lang sila ag nakakadama nung crucial state na 'yon. Mas mararamdaman siguro namin yun dahil kami ang hinahamon.

Ipinagtapat na rin sa'kin ng guro ko na magkukulay lila yung ilalim ng mata namin sa mga ilang lingo pang 'to. Wow! Ang sarap naman nun.
Tapos na ang finals pero simula pa lang ng lalong matinding pag-alog sa utak ko at ng mga batchmates ko, kakayanin sir.

Tulog na 'ko.
Eww. Gara ng post ko. Super diary-type.

Hahahaha. :/

Mind my Business. Ü

No comments:

Post a Comment