Saturday, June 5, 2010

Panic! at The Podium.

Bilang isang tagahanga, isa sa pinamasayang parte ng buhay mo ay yung makita mo ang hinahangaan mo, makausap, makakamay, at makapagpapicture.

Sino bang ayaw ‘yan?? =D

Summer 2008 nung malaman kong kasama ang Manila sa tour ng Panic at the Disco, ang favorite foreign band ko. Excited ako nun, pero malungkot. Excited dahil pupunta sila ng Pinas. Malungkot dahil wala akong malaking pera para makapunta sa concert. Nakita ko kasi nun sa Internet na yung presyo ng ticket naglalaro sa 500-4thousand. “Wala na”, sabi ko sa sarili... pero sa loob-loob ko gusto ko pa din makapunta. Dumaan ang mga araw, lumipas ang mga linggo. Papalapit ng papalit ang August 15, ang araw ng concert.

Hilingin ko man sa mga magulang ko na makanood ng concert, balewala din. Katulad ng sinabi ko, wala kaming malaking pera. Kung meron man, para lang yun sa MAS mahahalagang gastusin.

Tapos na ang Summer ng malaman kong may autograph signing sila sa isang mall, libre. =D Masaya na ulit ako, kahit wala pang kasiguraduhang makakapunta ko.

August 1. August 2. August 3. August 4. August 5. August 6. August 7. August 8.

Pinilit ko ang Mama ko, Tita ko, at kung sino-sino sa bahay namin. Ang problema, atras abante sila magdesisyon.

August 9. August 10. August 11. August 12. August 13.

May dati akong kaklaseng pupunta sa concert... ang hirap niya naman pakiusapan.

August 14.

Umaga. Nakaayos ako, nagbihis, nagsapatos. Nagdesisyon ako... kahit kunot noo, pumasok ako ng eskwelahan. Simula umaga, recess, at lunch –wala akong gana. Nawala ang kaisa-isa kong pag-asa. Gusto ko ng mamatay.

12am na ng mapansin ng mga kaklase ko, kaibigan, at ng kapatid ko na ayoko ng mabuhay. Sumabog na ko, umiyak kahit wala sa tamang lugar. Napayuko. Hinihiling na sana nasa Podium ako.

Katapusan na talaga ng mundo.. akala ko.

Hindi na natiis ng ate ko, tinext niya na si Mama. Nagmakaawa din ako. Dumating si Mama habang naglelecture kami sa English. Inexcuse ako. Nagpunta kami sa adviser ko at sinabi na kailangan gumawa muna ng excuse letter. Gumawa ng ‘excuse’ letter ang Mama ko. Excused. Kinuha ko na ang gamit ko sa classroom. Alam ng mga kaklase ko na hindi talaga ‘excuse’ ang pupuntahan ko.

Umuwi kami ng bahay ng 1pm. 6pm ang autograph signing, pwede pa. nagluto ako ng noodles para magkalaman ang tiyan at utak ko. Dala-dala ang Prett.Odd. na CD at resibo nito, umalis kami ng bahay.

Sumakay ng jeep. Bumaba. Sumakay ng taxi. Bumaba. Sumakay ulit ng taxi.

Sa likod ng SM Megamall ang The Podium. Nakikita ko pa nung na sa taxi ang malaking billboard ng Panic at the Disco sa labas. Bumaba na kami ng taxi. Maliit lang yung Podium at puro coffee shop. Umakyat kami sa taas. Pagdating namin sa taas marami-rami na din ang tao. Meron dun ginawang mini stage dun uupo yung P!ATD tsaka dun siguro kami magpapapirma, 4pm na. May maliit na booth dun, sinabi nung lalaki na para makakuha ka ng autograph ng Panic, kailangan mong bumili ng CD doon mismo, pero dahil kapareho na branch din yung pinagbilhan namin, pumayag sila. Sa katagalan e umupo kami... sa lapag. Dahil karamihan nung tao nakaupo na din sa lapag. Naawa ata yung mga staff kaya naglabas pa ng mga upuan.

Tik. 5pm. Tok. 6pm.

Nagsalita na yung babaeng may hawak ng microphone, nandiyan na daw yung Panic at the Disco. Lumabas sila galing sa puting pinto, galling yata sa langit. =D Anlalaki ng bouncer nila, lumabas na yung Panic... lahat ng tao dun nagpanic din sa kasisigaw... kaming mga may bangko tumuntong na sa upuan. Pag-upo nila, gamit ang mga nagba-blot na pentels, sinimulan agad ang pirmahan.

Maswerte ako dahil nasa top20 ako na makakatanggap ng pirma nila. 300 persons lang kasi ang maswerteng pinagpala nung araw na ‘yon. Sabi ni mama “pag akyat mo humarap ka sa camera ha, pipicturan kita.” Pero nakalimutan ko ng lumingon, masyado ata kong nastarstruck kaya ko nakalimutan at dahil na rin siguro sa kakakausap ko dun sa babaeng nasa harapan ko.

Ako na ang aakyat. Chineck pa kung may dala kong gadgets at kahit ano bukod sa CD, bawal daw kasi. Si Brendon yung una. (yes, eto na!) kinuha niya yung booklet ko, kinamayan niya ko, tapos ang dami niyang sinasabi, hindi ko maintindihan. Feeling ko kasi huminto yung mundo. *laughs* Pero ang bait talaga ni Bden, sobra. Next, si Ryan Ross. Shocks. Super starstruck na ko, haha. “You look so handsome” lang lumabas sa bibig ko, si Ryan ngumiti lang. Ewan ko kung mali ang grammar ko o natutuwa lang siya. Next, si Jon. Ayos. Si Spencer yung huli. Pagtapat ko sa kanya nakipagkamay agad siya sabay nangamusta. Tingin ko siya pinakamabait sa lahat. Pagbaba ko ng stage napagalitan agad ako ni Mama. Nakatalikod ako sa picture. Bad. Pero ayos pa din. Bago kami umuwi nagshot pa kami ng konting pictures. Konti lang kasi gagabihin na kami.

Umuwi na kami at sumakay ng bus na may dala-dalang libreng poster at CD na may walang katumbas na pirma ng paborito kong banda.

Mind my business. Ü

An Unforgettable experience. Most Highly memorable moments. At the very first and last 2 hours of my life... I got Panic! at the Podium.

1 comment:

  1. nakuha ko ang swerte ng araw na 'yan na pinilit ko na sana hindi na matapos. =D

    ReplyDelete