...that every juniors must learn.” Mahirap. Nakakainis. Bagot.. at minsan nakakaantok pero sa kabila ng mga ‘to masasabi mo ba na ang isang Cadette COCC na katulad ko, ay mamimiss ang mga nagdaang araw ng may formation, drill, parusa, tawa, at kung ano-ano pa.
Una sa lahat, hinding-hindi mo masasabi na madali ang buhay ng COCC: tagapulot ng kalat, tagacheck ng ID, medyas, at kung kumpleto ba ang uniform, tagataas ng flag, tumutulong sa mga programs, attention pag may dumaang officer/s, sumasaludo sa lahat ng officers isang beses sa isang araw, bawal ma-late, malinis dapat ang COCC pin, 5pins sa magkabilang buhok ng babae at ang pigtail na may ribbong kulay green, may parusa ang tumakas, mahirap mag-excused, attendance araw-araw, sidestep kahit saan, responable sa lahat ng oras, bagay, panahon, at pagkakataon habang nasa loob ng school campus. ‘Yan ang buhay na haharapin mo sa buong third year life mo kung isa kang COCC. Mahirap. Nakakainis. Bagot, at minsan nakakaantok.. pero deep down inside, nakakaguilty kung sasabihin mong hindi ka nag-enjoy.. dahil nag-enjoy ka. At mag-eenjoy ka talaga.
Masarap sa pakiramdam na makita mo ang sarili mong may nagagawa ka, kahit na hindi ikaw yung pinakamaraming nagawa, masaya pa din (try mo).
Hindi man katulad ng mga nagdaang officers, yung pinagdaanan naming na may mas mabibigat na naranasan, masasabi ko pa ring marami kaming natutuhan. Maraming natuto sa pagkadapa. Maraming tumayo at tumingala.. at masaya ko dahil isa ko sa kanila. Well, iba man yung buhay na haharapin namin for the next s.y., hindi ko pa rin makakalimutan yung adventure ng pagiging COCC ko, Masayang may natutuhan at cool. Kahit pa mahirap, nakakainis, bagot, at minsan nakakaantok. :D
Mind my Business.Ü
No comments:
Post a Comment