Goodnight my very own Blogger.
Mind my Business. Ü
Mind my Business. Ü
Bakit may mga taong nag-aaksakya nang oras para sa wala? Kung tingin man nila may dahilan yung ginagawa nila, bakit kaya sa nakikita ko wala? Bakit may mga taong iniipit yung sarili nila sa isang bagay at sitwasyon kahit na alam nilang napakatagal ng lumipas nito. Hindi ko sinasabing kalimutan nila ang mapapait at magagandang alaala ng nakaraan. Ang sa akin lang, bakit pa kailangan balikan kung alam mong wala ka namang mapapala.. sa totoo lang di ba? Bakit kailangan mong isiksik yung sarili mo sa mga sulok na hindi mo naman kinabibilangan? Dapat matanggap natin na sa ganitong mga pagkakataon, kailangan na natin pumasok sa iba pang dimensyon ng mundo. Huwag tayong magpasakal sa mga bagay, lugar, at pangyayaring nagdaan na. Matuto tayong tumanggap ng tadhana natin. Iikot kaya natin ang mata natin ng makita naman natin ang ibang mga bagay sa mundo.
Affection. Affection ang tawag diyan sa itaas. Sinusulat ko 'to dahil naaapektuhan ako. Sino bang hindi naaapektuhan ng mga bagay sa paligid nila? Sinong hindi naiinis sa maitim na usok, maingay na paligid, at maduming lugar? Sinong hindi natutuwa sa cute na bata, artista sa kanto, at sa mga usong gadgets? Naaapektuhan tayo sa mga bagay. Naaapektuhan tayo sa mga nangyayari, sa mga naiisip, at sa mga nadadama. 'Yon ay dahil tayo ay nabubuhay. May nakita ka na bang nasa kabaong na umaray nang kinurot siya, wala di ba? Ito ay dahil naaapektuhan lamang tayo habang tayo ay nabubuhay pa. Hindi lang tao ang naaapektuhan kundi lahat ng nabubuhay, halaman, puno, hayop -lahat ng nabubuhay. May mga halaman na pinasa na upang palaguin pa ng susunod na henerasyon. May mga punong higit 200 taon ng nabubuhay. May mga kakaibang hayop din. Pero ang tao, lalo na sa panahon ngayon, madaming maagang namamatay. Madaming hindi nakakadama ng apeksyon, madami ding pinatikim lang nito. Sa buhay ngayon, swerte na ang mga umaabot ng sitenta anyos. Marahil ay madami na rin kasing pagbabago sa mundong ibabaw. Madaming hindi nakakasabay sa agos ng ilog, sa daloy ng tubig, at sa tugtog ng buhay. Madaming ayaw maapektuhan. Madaming mas piniling manahimik na lang. Wala na silang pakialam sa mundong ito bukod sa mga sarili nila. Ayaw nilang gamitin ang salitang 'naaapektuhan', e ano pang silbi at binigay sa'tin ang salitang ito? Hindi naman siguro kasama ang salitang 'apektado' sa mga salitang ipinagbabawal sabihin. Walang mali kung gagamitin natin ang salitang ito dahil opinyon natin iyon. Sinasabi natin... naaapektuhan tayo. Dahil isa tayo sa mga bagay na nabubuhay.
Hindi lang tayo maswerte kundi napakaswerte pa at nagagamit natin ang salitang apeksyon. Yung mga bulag, hindi sila naaapektuhan ng mga maganda at hindi kung ibabase natin sa paningin. Kung sa pandinig at pananalita naman, hindi naaapektuhan yung mga bingi at pipi. Hindi nila naririnig ang magagandang musika at maiingay na busina. Hindi sila naaapektuhan ng tunog sa parehong paraan na hindi naaapektuhan ang mga bulag sa magagandang tanawin. Biruin mo, mahalaga pala ang salitang affection. May malaking pakinabangan pala ‘to sa mundo. Kagaya ngayon, patuloy kong pinipindot ang keyboard na ito dahil sa naaapektuhan ako ng gustong isigaw ng utak ko.
Mind my Business. Ü
Sa halos ilang taon ng panonood ko ng PBB (Pinoy Big Brother), ngayong taon na ‘to lang sobrang nagmarka, nadala, at naintriga ako sa palabas. Pinoy Big Brother Teen clash of 2010. Simula umpisa hanggang sa nalalapit na pagtatapos. Nung bakasyong gabi-gabi ko yun inaabangan. Nung magbalik-eskwela ko, napapanood ko pa din naman.. kaso sa computer na lang, tsaka hindi lahat. Yung iba pinapakwento ko na lang, ganun ko yung sinubaybayan. Natuwa kasi ako sa mga diskarte ni Kuya. Bumenta naman sa’kin yung palabas.
At mamaya... sabayan niyo ko sa pagsubaybay sa pagtatapos nito. Sino kaya ang Big Winner?? Ikaw, sinong Big winner mo???
Mind my Business.Ü
Mind my business. Ü
Pack up your school supplies! You got 1 remaining week before classes. Err, its school time again. But not that fast as I thought. Here are some things you can do to make sulit the remaining weeks of your summer vacation...
· Watch the television 24/7. I’m sure you will miss that when the classes starts.
· Go unlimited calls with friends. You can also enjoy unyt . a promo from Globe. Enjoy unlimited calls from 11pm to 6am.
· Eat foods without preservatives. Canteen is the house of preservative. So as long as you can, enjoy your home foods without preservatives. =D
· Do your hobbies, sports, and interests very well.
· Bonding with family. For sure your family and you will also get busy in the coming days...
· Make new things. Learn things that you don’t know before. Impress yourself.
· Go to salon. Have some makeover.
· Do want you want and what you can. Enjoy. Live an optimistic life.
After finishing those things, ready yourself for the coming first day of your new school year. Refresh your mind. You’re now ready to hold those golden books.
I hope my ideas will make sense. =D
Mind my business. Ü