I am RANDOM that day. It was full. Full of happenings, surprises, and emotions.
Nung araw na 'to, ang tanging plano lang namin ay ang magsaya. =) Manood ng sine at kumain sa bahay namin.
Alas dose pa lang ng tanghali ay nasa mall na 'ko, kung saan kami manonood ng sine. 12:30 ang usapan.
Nagpauna na 'ko para makapagpa-reserved ng cake at makabili ng snacks. Umakyat na ko sa taas, sa tapat ng movietime kung saan kami manonood ng sine. First to arrive, ay ang pare kong si Gary. Nauna pa siya sa'kin noon kahit na 12:30 ang usapan. Dahil may event sa The Event Center, sumulyap muna kami doon para medyo malibang. Gutom. Nagutom na din kami sa kadahilanang wala pa ni isa sa'min ang kumain ng tanghalian. Bumili na ko ng drinks sa baba tapos kinaen ko na din yung ibang pagkain. Tik, 1:00. Tok, 1:30. Isa't kalahating oras na kaming nakatayo, nakatanga. Pagod na paa at kumakalam na sikmura. Napakatagal nila.
Sa kasamaang palad, kinailangan nilang magpalit noon ng sasakyan, umulan kasi. Bago mag-2:00pm ay nakarating na din sila. Sa wakas. =) Pagdating nila, nanood agad kami ng sine entitled Cinco. Napakagandang pelikula mula sa magagaling na direktor: Frasco Mortiz, Enrico Santos, Ato Bautista, Nick Olanka, at Cathy Garcia-Molina.
Pagkatapos manood umalis na agad kami dahil mahaba pa ang byahe. Halos 50minutes din yun, may katagalan at kainipan din dahil nun lang makakarating yung mga kasama ko sa'min. Iba na yung lugar. Puro damuhan at puno na, may mga factories din. Bihira na sila makakita ng buildings. Sa bawat kilometro maririnig mo na yung mga tanong na "Malapit na ba tayo?", natatawa pa nga ako kapag kinukumpara nila yung byahe namin sa mga horror films. Ipapasalvage ko daw sila. Natatawa na nga lang ako e. Laugh trip kami sa sasakyan.
Sa Wakas. Nakarating din kami sa'min. =) Yung mga kasama ko, imbis na unahin yung pagkain, nung nakakita na ng baraha, hindi na nila nabitawan yun. Bla bla bla... May kainan, inuman, asaran, tawanan, at tawagan. Oo tawagan. Tinawagan namin yung barkada namin na nasa Canada na. Good thing at nagising siya. GV naman ang comments ng mga pamilya ko, nakipagkwentuhan pa sila bago umalis. Medyo nagtagal din yun. Kahit gabi na malakas pa din mga energy nila. Umuwi sila. Naglinis kami ng bahay. Humiga na 'ko, relax. Nakatulog ako bago pa matapos ang Birthday ko, 11:34:14pm.
Define masaya. :DD

Mind my Business.Ü
No comments:
Post a Comment