Friday, July 16, 2010

From the sexiest Girt of D.M.


ABOUT THE PICTURE: Una ko 'tong nabasa sa libro kong Bakit Baligtad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?, masterpiece yan ng isang babaeng nagsulat sa tissue sa bar somewhere in QC ata at ngayon ko lang nalaman na nagkalat na din pala ng lagim ang nasabing babae sa Facebook. Imagine kung paanong nakakaya ng babaing 'yan ang ingles niya. Nasa tamang edad na naman siya siguro, pero bakit ganon!? Sa totoo lang kasi, okay lang naman mag-ingles basta alam mo kung ano yung sinasabi mo at dapat alam mo kung ano ang tamang pagkakabigkas o pagkakasulat nito. E ang sama ng ingles niya e, sana nagtaglog na lang siya... at mas masama pa, hindi lang siya yung nakabasa ng sinulat niya, napakaraming Pilipino na.

Sa mga natitirang Pilipino pa diyan, magising na po tayo. 'Wag na lang siguro MUNA hangga't hindi pa natin kaya --ang magsalita ng wikang hindi atin. =)

Bow.

Mind my Business.Ü

No comments:

Post a Comment