Friday, July 20, 2012

I'm back to reading!


Nitong mga nakaraang araw, sumulyap, humapyaw, at nagbasa ulit ako ng articles, blog, libro, etc. Yung mga walang kinalaman sa pag-aaral ko. Pero sigurado akong saglit lang ulit 'to - malapit na kasi ang midterms.

Philippine History, taong 1998, panahon ni Erap

3 years old lang ako nun, ano namang malay ko sa panunungkulan niya? Siguro nung panahong yun, wala talaga kong alam. Pero ngayon, maraming pwedeng mabasa at mapanood. Pero hindi siya ang paksa ng post na 'to. Nung panahon kasi ng dating Pangulong Estrada, lumaganap sa Internet ang isang article na may pamagat na "Who Wants To Be A Filipino?" Nabasa ko ulit yung article nito lang. Binanggit dito ang hypocrisy at hindi magagandang bagay tungkol sa mga Pilipino at bansang Pilipinas. Pero hindi ako naniniwalang walang Pilipino na gustong maging Pilipino ulit. Yung ibang banyaga nga sobrang Filipino-at-heart, mas proud pa sa'tin eh. Feeling ko masyado lang pessimistic yung writer ng article, at naging O.A. ang pagkasulat niya. May mga aspeto din sa sinulat niya na non-sense. As in wala talaga. Hindi naman sa guilty o deffensive ako. I just find it very intriguing na umabot pa ko sa pagsusulat nito. Ang dami ko kasing gustong sabihin.

Siguro may parte ng pagiging deffensive 'to, pero mga 20% lang. Siyempre, Pilipino ako, dedepensa ako para sa bansa ko. At kung Pilipino man ang writer nung article (na hindi ko na babanggitin ang pangalan), shame on you! Nakakadiri ka.

Hindi ako naniniwalang walang Pilipino na gustong maging Pilipino ulit dahil kung ipapanganak ulit ako, gugustuhin ko pa ring maging Pilipino. Asian for particular. Gusto ko ang tan color ko, wala akong pakialam kahit napang-iiwan na ko ng mga nag-gluthatione. 'Eto ako eh!

Yung lugar natin. Kahit nababalot ng polusyon, baha, ingay at trapik ang Manila, okay lang! Hindi lang naman Manila ang bumubuo sa Pilipinas. Napakarami pang magagandang lugar, sariwang hangin, tahimik na paraiso, bundok at kalsadang traffic discipline zone sa atin. Libutin mo ang Pilipinas, kapatid! 

At ang pinakahigit sa lahat, ang mga Pilipino. 17 years ng buhay ko 99.9% pure Filipino ang kasama ko sa buhay. Sa paggising, pagbiyahe, pagpasok, pagkain, at kung anu-ano pa. Marami-rami na ring tagumpay na Pilipino sa iba't-ibang larangan. Oo, minsan nakakatakot yung mga kapwa mo dahil hindi naman lahat mabuti pero sa dinami-dami-dami-dami ng mabubuting Pinoy, natatabunan ang kasamaan. Maniwala kayo sa'kin, kahit estranghero ako, may mabubuting Pinoy around. Minsan, pag magtatanong ng lugar, hindi pa ko napahamak.

At marami pang ibang dahilan. Basta I'm proud Filipina. 
mindmybusiness.

1 comment:

  1. Casino: Get Free $10 No Deposit Bonus - Dr.MCD
    Play the Best Online 정읍 출장샵 Slots at the best online 영주 출장샵 casinos with 천안 출장마사지 real money no deposit bonuses! We are the 제주도 출장안마 #1 논산 출장마사지 supplier for real money casino

    ReplyDelete