Warning: The content of this post is not a book review, book summary, or a spoiler. (Pero may mapupulot naman sa post na ito.)
December 09, 2011. Ngayon pa lang ang release sa Pandayan Bookshop ng bagong librong kagigiliwan ng mga anak na kinagagalitan ng mga magulang dahil ayaw huminto sa pagbabasa ng pink na libro na dahilan kung bakit hindi nila ito mautusan. (Hindi ba dapat ay matuwa pa ang mga magulang natin at nagbabasa tayo?) Kung isa kang BobO fan (Bob Ong), malamang alam mo ang librong tinutukoy ko.
December 11, 2011 ang talagang release ng libro. Pero dahil may mga fan na pabalik-balik sa bookstore at nangungulit sa staffs (na nagpakgrro (na hindi nila alam na bawal pa), at may iba namang sadyang may stock na pero limited. At sa kabutihang palad na nakasalo ako ng kabutihang palad kahapon, nagkaroon ako ng kopya ng limited na libro. Kaya lang hindi ako ang bumili. (Pero hindi na po ako magrereklamo at nagpapasalamat ako sa sponsor ko!)
Para na rin makatulong ako sa iba pang walang kopya ng Lumayo Ka Nga Sa Akin, narito ang ilang lugar na pwede niyo ng bilhan ng libro. (Ito po ay ayon na rin sa iba ng may kopya ng nasabing libro):
SM Rosales
SM Megamall
SM Manila
SM Dasmariñas
SM Mall of Asia
SM Marilao
SM Fairview
Ali Mall (National Bookstore)
Recto (National Bookstore)
Cybermall (Eastwood)
Shangri La (Edsa)
Gateway (Cubao)
(c) Kung meron na sa lugar niyo, mas maganda kung sasabihin niyo sa'kin. (Mag-comment kayo dito sa post ko) Para na rin malaman ng iba pang walang kopya. Pwede rin namang tumawag kayo sa pinakamalapit na Pandayan Bookshop, National Book Store, Fully Booked, at Powerbooks Store sa inyong lugar.
Kung wala pa talaga, hinay-hinay lang muna. Aabot rin 'yan sa inyo. Iwasan niyo na lang din munang mag-online at makuntento na lang sa mga spoiler. At dahil na rin nabanggit sila (mga spoiler) at dahil na rin sa ginagalang ko si Master Bob, katulad ng dati, hindi ako magpapaka-spoiler. (At hinding-hindi ko 'yon gagawin. Loyal fan kaya ako, Peksman. Mamatay ka man!) Oops.
Ganito, sabihin na lang natin na 'IN' pa din si Master Bob. May mga artista kasing sumikat pero nawala agad, banda na magaling pero naglaho din. Si Master yata hindi malalaos eh. Sabi nga, 'IN' for all generation! Doon ako sobrang hanga sa kanya dahil na rin nahikayat niya ang mga kabataang katulad ko na magbasa ng libro.
Nakatapos na naman ako ng libro mo, kaya ano pa ba? Sana may 10th, 11th, 12,.... eternity.
Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong ito na pigilan na ang mga nagee-book, lalo na ng BobOng books. Please. Stop piracy! Just support Filipino authors. At pati na rin sa tumatangkilik ng e-book: 'Wag na please, masakit sa mata!
Kudos Bob Ong for another great masterpiece!
CREDITS
FADE OUT
Tapos lalabas na ang mga tao sa sinehan at magsisigaw sa microphone ng "Number 1! Number 1! Number 1!"
Mind my Business.Ü
galing talga ni BobO no??? :)
ReplyDeleteGaling talaga! :)
ReplyDeleteate can you tell me about the book? just for my thesis. :)
ReplyDeleteHi Jhellica. I'm sorry ngayon ko lang nabasa ang comment mo. Anyway, the book is a parody about the Philippines' movie industry. Kung gagawa ka ng thesis, mas mainam na basahin mo ang libro. Get a copy of it, you will not regret reading it! :) Salamat sa pagtitiyaga sa post ko.
ReplyDeletemas makakatulong kung pinost mo nlang ung .pdf :DD hehe
ReplyDeleteDude, it's kind of piracy. You know. Haha
ReplyDelete