Saturday, February 5, 2011

Ang utang ko.

Nung mga nakaraang araw pagod na pagod ako sa kahahabol ng oras. Ang hirap. Para akong ipinasok sa giyera nang walang dalang armas. Ngayon, hindi ko alam kung bakit gising pa 'ko, at hindi ko alam kung bakit wala yata akong ginagawa. Nasa gitna pa rin ako ng ka-busyhan ng buhay pag-aaral ko. Pero pramis, wala talagang magawa nagayon; kaya yata ako nagka-oras tumambay dito. Pwes, lulubos-lubusin ko na at babayaran ko na ang utang ko.

January 27-28, 2011
Ang isa sa pinakamahalagang araw ng buhay pag-aaral ko ng sekondarya, ang Retreat. Sandali lang ang Retreat namin, 2 araw at isang gabi. Pero kung iisiping mabuti parang napakaiksi lang ng oras na napagsamahan naming lahat. Masaya dun sa retrear house. Tahimik. F na F ko nga yung pakiramdam e. May pagka-introvert kasi ako. Masya talaga ko kahit ako lang. Pero dun, may kasama ka, kaya lagn tahimik kami kaya naramdaman ko talaga. Doon lang ako ulit nakapagmuni-muni ng may maaliwalas na hangin. Malapit lang samin yung Retreat House pero iba doon. Mas mataas kasi 'don kaya siguro mas malamig. At mas masarap mag-relax 'don.

Marami akong na-realized sa maiksing araw na 'yon at isa na dun ang pagmamahal. Sa Diyos, sa pamilya, sa nanay, sa tatay. Sa lahat. Napaka-sulit nung araw na itinagal namin doon. Hindi talaga nasayang. Yung retreat master namin, napakahusay. Idol ko talaga yun e, since 2009. Kahit na ilang beses pa lang siyang nagmimisa sa'min.

Masaya ang retreat sa kabuuan, kahit na namaga ang mata ko ng super. :)

January 29, 2011
Ang una at huli kong field trip. Kinabukasan agad. Oha? haha. Grabe. Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin nun e. Hindi ako nagising sa alarm clock ko at nahuli ako ng super. As in! Buti na lang good moodang teacher ko nun.

Paggising ko ba ng umaga e, nag-panic talaga agad ako e. Hindi ko na alam ang gagawin. Buti na lang may ate ako, kung wala. Patay!

Dumating ako sa Valenzuela City ng almost 7AM at pag-akyat ko sa bus, pinalakpakan ako ng bonggang-bongga. "SORRY!" lang ang nasabi ko e, nakangiti ako pero hiyang-hiya talaga ko nun. Hahahaha. The End. Ayun lang. Masaya din yung paglalakbay ko pero hindi ko na iisa-isahin. :)

Mind my Business. Ü


No comments:

Post a Comment