"Sa aking mga nobela'y pinilit kong sagutin ang mga mapanirang puring paratang sa aming mga Pilipino. Inilahad ko ang kawawang kalagayan ng aking bayan, ang aming mga karaingan at kalungkutan..."
Isang napakahusay na gawa ng mga batikan sa produksyon sa larangan ng pelikula. Patawarin niyo po ako kung ngayon ko lang maipararating ang kudos ko sa inyo. Patawad.
Sa eskwela ko, ang lahat ay nagka-cram sa paggawa ng projects at pag-ensayo sa play. Pero ngayon, sa bahay, ako ay nanonood ng José Rizal. Bigla ko lang naisipan. Napakatagal ng yari ng pelikula pero ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataong panoorin ito at sinunggaban ko naman. Sayang eh! At talaga namang lalo akong natuto.
Nalaman kong may mga tinuturong tama ang mga guro sa aspeto ng mga alam at hindi nila alam sa kasaysayan.
Nalaman kong karamihan sa mga alam nila e tama at totoo talaga.
Nalaman kong mali na lumaban sa paraang hindi mo kaharap ang kalaban mo. Dahil kung gusto mo talagang lumaban, humarap ka!
Nalaman kong hindi perpekto ang tao para araw-araw maging optimistic. Parte ng buhay na paminsan-minsan e ayawan mo siya.
Nalaman kong pwede palang mahalin ang mga bagay na hindi mo kauri. Pwede mong makasundo ang hindi mo kadugo base sa mga karanasan ninyo.
Nalaman kong napakahalaga talaga ng edukasyon pero hindi iyon ang napakalaking maiaambag mo sa buhay at sa bayan. Kundi ang tunay na pagiging mapagmahal mo sa bawat karapatan ng lahat ng nilalang. Dapat alam mo ang pagkakapantay-pantay. Kahit na may pinag-aralan o wala, karapatan ng bawat isa ang pantay na pagrespeto. Kung ang Diyos nga ay marunong tumingin ng pantay, ang tao pa kaya? Alam kong kaya natin maging pantay ngunit alam ko ring napakahirap nitong gawin. Tumbalik?
Sa kabuuan, hindi naman nasayang ang ilang oras ng pagkakaupo ko sa hara ng monitor dahil marami pala kong nalaman. Maraming nadagdag sa utak ko. Yun nga lang, minsan kailangan ko p 'tong balik-balikan para maging sariwa ulit yung nasa alaala ko.
Tunay ngang napakalaki ng naitulong ni Rizal. Tinanggihan niya na maging ang batas dahil alam niyan hindi ito perpekto. Nawalan siya ng pag-asa ngunit nabuhayang ulit Nalaman niyang malaki ang nagawa niya sa pamamagitan ng pagsusulat. Kahit na naging napakapanganib ng pinasok niyang larangan. Wala siyang kinatakutan at minahal niya ang tinahak niyang landas. Sobresaliente!

Natutuhan kong hindi lahat ng tao ay pantay-pantay.
Mind my Business. Ü