Alam mo yung pakiramdam na nagsusulat ka, pero alam mo sa sarili mo na hindi yun para sa'yo? Ang hirap no! Haay. Nakakainis pa 'don walang nangyayari sa buhay mo. Wala kang ginagawa, wala ring maisip yung utak mo. Parang tumigil yung imahinsayon mo para makasulat ng mga bagay-bagay na gusto mo. Ewan ko bakit madalas ko 'to maranasan. Naiinip lang siguro ko sa buhay ko dahil wala masyadong gulo sa sirkulasyon nito. Minsan mas okay pa nga yun e. Madalas hindi.
Eff. Di ko maintihan yung sarili ko ngayon. Haha. gusto ko lang mamahagi ng nararamdaman ko at alam kong mapagbibigyan ako ng sarili ko gamit ng Blogger ko.
Sa ngayon, marami pa 'kong bagay-bagay na dapat at kailangang gawin pero hindi ko gusto kaya hindi ko magawa. Katulad nung bali-balita na may isusulat ako, nawalan na yata ko ng oras, damdamin para sa isusulat 'yon, at tinta ng mga ballpen na gagamitin ko? Pero tignan mo yung dahilan ko hindi mauubos. Kitams? Ganito na lang, bilang pagpapahalaga sa palabra de honor tatapusin ko ang nasabing "kwento" bago matapos ang taon. (Yes! Matagal pa ang taning ko.) Promise.

Yours Truly,
Mind my Business. Ü
Mind my Business. Ü
No comments:
Post a Comment