Thursday, November 11, 2010

Oo.

Dear Blogger,

Matagal na din ako sa kawalan pero habang nakasara ang bibig ko at maingay na sumisigaw ang utak ko, may isang bagay na pumasok sa isip ko -- ang pagiging abogado. Nalaman ko na hindi pala ko pwede sa ganitong trabaho. Oo, alam ko ang responsibilidad nila at ang dapat nilang ginagawa sa parehong paraan na alam ko ding hindi ko kayang harapin ang sinasabi ko. Hindi ko kayang humawak ng kaso. Madalas akong nagbibilang ng bituin at nag-iisip ng mga bagay-bagay hanggang sa pumasok ang lalim ng pang-unawa ko sa mga bagay na kaya ko pero hindi ko mapaninindigan. Hindi ko mahawakan ang sarili kong kaso at ang hirap. Nakapanglulungkot nga lang, dahil napakarami kong sagot sa kaso ng iba. =|

Mind my Business.Ü

No comments:

Post a Comment