Hindi ako yung isa sa mga taong araw-araw humahabol at nakikipagsiksikan sa tren para makarating sa paroroonan. Minsan lang ako sumakay. Parang pag-inom ko ng alak, occasionally lang. Kaya sa tuwing sumasakay ako, may mga realidad pa rin akong nakikita na wala akong magawa kundi tawanan na lang. Pero para maiba, ibabahagi ko yun sa inyo ngayon.
Huwebes ng hapon, peak hour. Ibig sabihin madaming pasahero at rush mode lahat ng tao. Parang palaging may hinahabol na deadline. Bumili ako ng ticket. "Isa po, Monumento." P15 pa din ang presyo, swerte. Pagkabili ko pumasok na ko sa loob tapos. Doon ako pumila sa women's lane. Dati kasi sinubukan kong sumakay sa gitna ng walang ibang kasama. Bukod sa masikip, mga lalaki ang kasiksikan mo. Iba na. At yung iba may iba ring ginagawa, akala nila kwarto yung tren. (Tama yung iniisip mo, natutulog sila sa tren! HAHA) Ilang minuto lang dumating din yung tren. Maraming bumababa kaya stop muna lahat ng sasakay bukod sa isang babaeng "nagmamadali" daw. Ganito ang eksena, may isa pang babaeng mapagbigay na pinauna muna yung mga bababa. Para na rin maayos ang sistema. Pero siguro dala na din ng hindi mapigil na emosyon, nagsalita yung babaeng mapabigay (tatawagin natin siyang babaeng m para hindi masyado komplikado). Hindi ko na matandaan yung iba pa niyang sinabi basta ang alam ko nagkasagutan sila ni babaeng n (nagmamadali). Dahil nagmamadali daw 'tong si babaeng n sabi ni babaeng m. Mas bata yung nagsimula ng gulo, imbis kasi na intindihin niya yung pagsasabi sa kanya, minasama niya 'to. Palagay ko naman nasa tamang edad na siya para maintindihan ang nangyayari. Kaso wala siyang disiplina. Nakatabi ko yung babae sa pagtayo namin sa tren. Hindi pa rin siya nagpapapigil at patuloy na nagbubuhos ng galit dun sa kasama niya. Kesyo lahat naman daw nagmamadali at porket hindi raw agad nakasakay yung si babaeng m e kung ano-ano ang pinagsasabi bla blah blah. Ang sakit sa tenga. Pati na rin sa puso.
Paano kaya kung araw-araw may ganito rin akong kwentong naririnig? Araw-araw kasi iba-iba ang kwento sa tren, ayon na rin sa isa kong kakilalang araw-araw sumasakay dito. Siguro magiging manhid na lang ako sa mga ganitong sitwasyon. Baka akalain ko pang normal na lang 'to. Sana sa paggamit natin ng transportasyon, sumakay tayo dahil kailangan natin 'to. Huwag na tayong mag-ipon ng non sense experiences. Kasi nga non sense, wala yung kwenta. Wala yung magagawa para mabago ang sistema. At wag tayong maging manhid at magbulag-bulagan. Dahil sa realidad, totoong madaming ganitong bagay at pangyayari. Inaamin ko, wala kong nagawa nung mga panahong yun. Hindi ako nakaisip ng makapangyarihang salita para mapatameme si babaeng n. At sana, kung susubukan nating umawat sa mga ganitong uri ng sitwasyon, isipin muna nating mabuti ang pinakamabisang salita na pwede nating bitawan.
Monumento station na, wala pa rin akong nagawa... bukod sa maibahagi ito.
mindmybusiness