Habang nasa bus ako kanina papasok ng University, hindi ko mapigilang madismaya sa balitang naririnig ko mula sa TV (hindi ako nanonood, nakikinig lang). Bumagsak na pala ang dating ranggo ng top 4 universities dito sa Pilipinas --University of the Philippines, Ateneo de Manila University, De La Salle University at University of Santo Tomas. Ito ay ayon sa ranggo na ginagawa ng Quacquarelli Symonds.
UP na mula sa 314th ay naging 332. ADMU na mula sa 307th ay bumaba sa 360. DLSU na mula sa sakop ng 451-500 ay naging 551-600. At mula sa 551-600 na pwesto ng UST ay bumaba na ito sa 600 pababa pa.
UP na mula sa 314th ay naging 332. ADMU na mula sa 307th ay bumaba sa 360. DLSU na mula sa sakop ng 451-500 ay naging 551-600. At mula sa 551-600 na pwesto ng UST ay bumaba na ito sa 600 pababa pa.
Sa paliwanag kanina sa balita ay malaki pala ang epekto ng subsidiyang ibinibigay sa mga paaralan. Isa sa dahilan kung bakit bumababa ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa ay dahil sa hindi binibigyang-pansin ng gobyerno ang mga hinaing ng estudyante. Mataas na budget para sa edukasyon! Ito ay hindi lang naman para sabihin na may ibinibigay silang budget sa atin kundi para ipakita ang suporta ng gobyerno para sa mga kabataang itinuturing na pag-asa ng bayan. Paano na lamang makakatapos ang isang Juan de la Cruz na lumaking yagit at umaasa sa tulong ng gobyerno dahil sa pangakong pag-aaralin sila nito noong eleksyon?
Isa pa ay ang budget cut. Bakit kailangan pang bawasan ang porsyento ng perang hindi na nga sapat para sa mga kabataan? Kung susumahin, sa unibersidad pa lamang namin at sa dami ng taong nag-aaral dito, lumalabas na nagkakaroon lamang ng P3-5 ang isang estudyante kada taon na nagmumula a gobyerno. Kulang na kulang pa nga ito para ipa-xerox ang isang kabanata ng libro.
Ganito na ba talaga kahirap ang ating bansa? O ganito na talaga kautak ang ating pamahalaan na nangakong magbibigay ng tapat na serbisyo? Hindi lang naman ako nananawagan para sa higher subsidy on education bagkus ay ang pag-asang maibalik sana ang kahit isa man lang sa apat na unibersidad dito sa Pilipinas sa listahan na yan. Para naman may masabi tayo, kahit sa edukasyon man lang!
Sana marinig tayo ng gobyerno, ng mga namumuno dito sa bansa. Sana matulungan nila tayo. Naniniwala kasi akong hindi mo kailangang gumastos ng milyon-milyong piso para lamang makapagtapo ka ng kolehiyo. Kailangan mo rin ng sikap, tiyaga at determinasyon. Kailangan mo rin ng mga taong makatutulong sa'yo para makapagtapos ka at may marating ka. Bukod sa mga mayayamang nakapagpapa-aral ng anak ng mga katulong nila, maaaring pamahalaan na ang isa sa pinaka o dapat gumawa ng paraan para matulungan tayo.
'Eto pa, ito ay para harapin mo ang totoo. Hindi ito polytical statement na bukas ay nakalimutan na. Ito ay wake up call para sa mga gumagawa ng statement (politiko): PHL schools fall in rankings of top world universities
*Mas maayos na ang ma malinaw. Hindi po ako raliyista, aktibista, o ano man. Siguro marahil ay may dugong-PUPian ako, na handang ipaglaban ang karapatan ng bawat isa. Karapatan ng isang batang mag-aral, matuto. At yun lang ang nais kong iparating.*
*Patawarin niyo ko sa paksang ito, at kung Tagalog man. Sorry. Mas masarap magsabi ng saloobin kapag tagalog, eh.*