Saturday, June 5, 2010

Panic! at The Podium.

Bilang isang tagahanga, isa sa pinamasayang parte ng buhay mo ay yung makita mo ang hinahangaan mo, makausap, makakamay, at makapagpapicture.

Sino bang ayaw ‘yan?? =D

Summer 2008 nung malaman kong kasama ang Manila sa tour ng Panic at the Disco, ang favorite foreign band ko. Excited ako nun, pero malungkot. Excited dahil pupunta sila ng Pinas. Malungkot dahil wala akong malaking pera para makapunta sa concert. Nakita ko kasi nun sa Internet na yung presyo ng ticket naglalaro sa 500-4thousand. “Wala na”, sabi ko sa sarili... pero sa loob-loob ko gusto ko pa din makapunta. Dumaan ang mga araw, lumipas ang mga linggo. Papalapit ng papalit ang August 15, ang araw ng concert.

Hilingin ko man sa mga magulang ko na makanood ng concert, balewala din. Katulad ng sinabi ko, wala kaming malaking pera. Kung meron man, para lang yun sa MAS mahahalagang gastusin.

Tapos na ang Summer ng malaman kong may autograph signing sila sa isang mall, libre. =D Masaya na ulit ako, kahit wala pang kasiguraduhang makakapunta ko.

August 1. August 2. August 3. August 4. August 5. August 6. August 7. August 8.

Pinilit ko ang Mama ko, Tita ko, at kung sino-sino sa bahay namin. Ang problema, atras abante sila magdesisyon.

August 9. August 10. August 11. August 12. August 13.

May dati akong kaklaseng pupunta sa concert... ang hirap niya naman pakiusapan.

August 14.

Umaga. Nakaayos ako, nagbihis, nagsapatos. Nagdesisyon ako... kahit kunot noo, pumasok ako ng eskwelahan. Simula umaga, recess, at lunch –wala akong gana. Nawala ang kaisa-isa kong pag-asa. Gusto ko ng mamatay.

12am na ng mapansin ng mga kaklase ko, kaibigan, at ng kapatid ko na ayoko ng mabuhay. Sumabog na ko, umiyak kahit wala sa tamang lugar. Napayuko. Hinihiling na sana nasa Podium ako.

Katapusan na talaga ng mundo.. akala ko.

Hindi na natiis ng ate ko, tinext niya na si Mama. Nagmakaawa din ako. Dumating si Mama habang naglelecture kami sa English. Inexcuse ako. Nagpunta kami sa adviser ko at sinabi na kailangan gumawa muna ng excuse letter. Gumawa ng ‘excuse’ letter ang Mama ko. Excused. Kinuha ko na ang gamit ko sa classroom. Alam ng mga kaklase ko na hindi talaga ‘excuse’ ang pupuntahan ko.

Umuwi kami ng bahay ng 1pm. 6pm ang autograph signing, pwede pa. nagluto ako ng noodles para magkalaman ang tiyan at utak ko. Dala-dala ang Prett.Odd. na CD at resibo nito, umalis kami ng bahay.

Sumakay ng jeep. Bumaba. Sumakay ng taxi. Bumaba. Sumakay ulit ng taxi.

Sa likod ng SM Megamall ang The Podium. Nakikita ko pa nung na sa taxi ang malaking billboard ng Panic at the Disco sa labas. Bumaba na kami ng taxi. Maliit lang yung Podium at puro coffee shop. Umakyat kami sa taas. Pagdating namin sa taas marami-rami na din ang tao. Meron dun ginawang mini stage dun uupo yung P!ATD tsaka dun siguro kami magpapapirma, 4pm na. May maliit na booth dun, sinabi nung lalaki na para makakuha ka ng autograph ng Panic, kailangan mong bumili ng CD doon mismo, pero dahil kapareho na branch din yung pinagbilhan namin, pumayag sila. Sa katagalan e umupo kami... sa lapag. Dahil karamihan nung tao nakaupo na din sa lapag. Naawa ata yung mga staff kaya naglabas pa ng mga upuan.

Tik. 5pm. Tok. 6pm.

Nagsalita na yung babaeng may hawak ng microphone, nandiyan na daw yung Panic at the Disco. Lumabas sila galing sa puting pinto, galling yata sa langit. =D Anlalaki ng bouncer nila, lumabas na yung Panic... lahat ng tao dun nagpanic din sa kasisigaw... kaming mga may bangko tumuntong na sa upuan. Pag-upo nila, gamit ang mga nagba-blot na pentels, sinimulan agad ang pirmahan.

Maswerte ako dahil nasa top20 ako na makakatanggap ng pirma nila. 300 persons lang kasi ang maswerteng pinagpala nung araw na ‘yon. Sabi ni mama “pag akyat mo humarap ka sa camera ha, pipicturan kita.” Pero nakalimutan ko ng lumingon, masyado ata kong nastarstruck kaya ko nakalimutan at dahil na rin siguro sa kakakausap ko dun sa babaeng nasa harapan ko.

Ako na ang aakyat. Chineck pa kung may dala kong gadgets at kahit ano bukod sa CD, bawal daw kasi. Si Brendon yung una. (yes, eto na!) kinuha niya yung booklet ko, kinamayan niya ko, tapos ang dami niyang sinasabi, hindi ko maintindihan. Feeling ko kasi huminto yung mundo. *laughs* Pero ang bait talaga ni Bden, sobra. Next, si Ryan Ross. Shocks. Super starstruck na ko, haha. “You look so handsome” lang lumabas sa bibig ko, si Ryan ngumiti lang. Ewan ko kung mali ang grammar ko o natutuwa lang siya. Next, si Jon. Ayos. Si Spencer yung huli. Pagtapat ko sa kanya nakipagkamay agad siya sabay nangamusta. Tingin ko siya pinakamabait sa lahat. Pagbaba ko ng stage napagalitan agad ako ni Mama. Nakatalikod ako sa picture. Bad. Pero ayos pa din. Bago kami umuwi nagshot pa kami ng konting pictures. Konti lang kasi gagabihin na kami.

Umuwi na kami at sumakay ng bus na may dala-dalang libreng poster at CD na may walang katumbas na pirma ng paborito kong banda.

Mind my business. Ü

An Unforgettable experience. Most Highly memorable moments. At the very first and last 2 hours of my life... I got Panic! at the Podium.

Tuesday, June 1, 2010

Love her or Hate her.

Anonymous Said,



UNA SA LAHAT..

sinasabi nio na "FLIRT" si tricia (kaya hate nio siya)??

_what if she is!! .. pero ito din ang tanong ko sainyong lhat?? .. cnu ngaun ang hindi nkipag flirt khit once sa buhay nia?? :))
..kung ikaw sasabihin mo na hindi.. i tell you. kawawa ka nman!! sobrang bait mo na pati sa sarili mo plastic ka.! IMPOSSIBLE na hindi.. walang tao ang hindi gagawa para mapansin siya ng taong gusto nia.. kahit simpleng gestures lng.. khit pag aayos sa sarili mo..

^kung gnon nga siya ee.. .and besides, she dont even know you. taz hate na hate mo siya. syang lang ang galit at inis mo sknya kasi wala siyang pkielam .. ni hindi nga nia nababasa o nririnig mga pinag sasabi mo sknya!!

and the issue about TRICIA and IVAN..

_sabhin na nting gusto nga nia si ivan.. at nkikipag flirt siya. itong si ivan dn nman nkikipag harutan sknya . tama ba?? .. inaakbayan pa nga nia si tricia? ..

kung pgiging flirt nlng ang kakainisan nio.. dapat idamay nio lahat ng flirt dto sa mundo.. lahat kainisan mo..
wag mong ibaling sa isang tao.
dahil malamang ikaw nsubukan mu ndeng nkipag flirt. bka mas worst pa.!

pangalawa
+BATA PA NGA SIYA.

_exactly!.. bata pa nga tlga siya.. kya dapat intindihin nio sa ganyang edad gusto tlga ng mga yan na mpansin sila. cnung bang hindi.? .. . and alam kong mhirap mkisama ang katulad niya sa mga housemates lalo na mas matanda silang lahat saknya.!! ..(i tell you.. if you were on tricia's situation what would you feel?? ) sabihin ko din kya sayo na "hindi ka bagay jan. dpat ma evict kna.! BUTI NGA SAYO! ??


^and ung feeling na pinag tutulungan ka ng mga housemate.. na feeling mo wala knan kakampi.

sabi na nga ni TRICIA

"kung di ko tutulungan ang sarili ko, sino pa ang tutulong sa akin"

satingin ko konti nlng ang ngpapakatoo kay tricia sa loob ng bahay ni kuya.

3rD..
++tricia is a threat to the housemates.

"hindi siya threat.. sila mismo ang gumawa nun sa sarili nila.. si eslove.. kung nsa tamang pag iisip nman kasi un hindi niya tututukan ng kutsilyo si tricia..
tama ba?? ..
si shey?? .. ilang beses niang ginawa ang nomination conspiracy?? 3 times.!!

++ kung binasa nman nila kasi ang rule book ng maayos. di nila yon gagawa dba? isa pang mali nila.. nag padala sila sa inis nila...


in my own opinion!!

^^NAIINIS KAYO SAKNYA KASI "INSECURE KAYO" ..
I STILL BELIEVE IN THE SAYING..

"IF SOMEONE HATES YOU OR PULLS YOU DOWN, IT MEANS YOUR ABOVE THEM"


AND NOW ITS PROVEN!! IM TELLING YOU..
TRICIA SANTOS -- SISIKAT ITO NG BONGANG BONGA ..
=walang wala ung mga kasabay niya ngaun..


+see shes only 14..pero ang layo na ng narating nia.. and besides at least siya pinapakita niya tlga ung ugali niya hindi siya nag papaka plastik katulad nila shey at devon.. (BWISIT CLA)..
..at kita nio nman ang ratings.. siya ang pinaka mataas!!


::to all tricia's haters ::
HAVE YOUR OWN LIFE!! sinasayang nio lang oras niyo!! ^^,

Posted on May 24, 2010 8:02 PM

Reference: http://www.pbb.uwebb.com/

May kaligaligan lang talaga ang mga mata ko.

Habang nagbabasa ko ng House Rules ni Big Brother, pagbaba at pagbaba ko hindi ko na maiwasang basahin yung mga comment/s at isa sa mga sobra kong napansin ay yung nasa itaas. Gigil ako. At yung nasa baba, feedback ko sa mga pinagsasabi niya.

Yes... For what I think, she’s a flirt. Oo. Lahat ng tao lumandi, pero use your mind naman in comparing Tricia to anyone else. Si Tricia wala sa simpleng buhay, napapanood siya sa TV at 24/7 siyang sinusubaybayan ng mga lovers at haters niya sa live stream kaya hindi mo ako at sila masisisi for hating her sa mga pinapakita niya. Sinabi mo rin na ‘sayang’ lang ang pagkainis namin... Hindi niya nga ‘to nababasa at yung ibang mga post diyan, e sa tingin mo ba nababasa niya yung mga pinagsasabi mo?? But you’re right about the issue Tricia-Ivan pero sana wag ka ng mangdamay ng ibang tao, can you just stop comparing Tricia sa mga taong walang kamalay-malay?

Bata pa siya. Pero hindi ‘yon tamang rason to excused herself in everything.

Oo, nagpapakatoo si Tricia sa loob ng bahay ni kuya.. Hindi sa wala siyang punto pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong magpakatotoo. (Sino bang hindi naging plastic??)

She is not a threat to everybody but she made her choice that the housemates and the people think that she is. Kung si Eslove man at si Shey ang may kasalanan sa paglabas nila, si Tricia din ang may kasalanan kung bakit ganyan ang tingin ng tao sa kanya.


Para sa nagsulat ng nasa itaas: I understand you at the same time that I don’t. Dahil sa opinion KO, hindi lahat ng sinabi mo tama. And to think na supporter ka talaga ni Tricia that’s why you see her having a bright future. Well, I hope so. Hindi naman ako ganun kasama no, kung yun yung para kay Tricia, Go! Sorry... kung makakabangga man kita at yung mga supporters niya. Like I said, opinion KO ‘to. :D Sayang nga lang na hindi kita kilala at ‘Anonymous’ ang nilagay mo... at sasabihin ko sa’yo na hindi ko nakikitang sinasayang ko lang yung oras ko.. na parang ikaw. I wanna meet you so soon.

To Tricia’s fans and supporters: You just read what I wanna say so. No offense sana.. :D Sinusulat ko lang sinasabi ng isip ko... so Sorry.


POST SCRIPT: Kung talagang magbabago na si Tricia sana nga seryoso na siya.

Mind my Business. Ü

The COCC Life.


...that every juniors must learn.” Mahirap. Nakakainis. Bagot.. at minsan nakakaantok pero sa kabila ng mga ‘to masasabi mo ba na ang isang Cadette COCC na katulad ko, ay mamimiss ang mga nagdaang araw ng may formation, drill, parusa, tawa, at kung ano-ano pa.

Una sa lahat, hinding-hindi mo masasabi na madali ang buhay ng COCC: tagapulot ng kalat, tagacheck ng ID, medyas, at kung kumpleto ba ang uniform, tagataas ng flag, tumutulong sa mga programs, attention pag may dumaang officer/s, sumasaludo sa lahat ng officers isang beses sa isang araw, bawal ma-late, malinis dapat ang COCC pin, 5pins sa magkabilang buhok ng babae at ang pigtail na may ribbong kulay green, may parusa ang tumakas, mahirap mag-excused, attendance araw-araw, sidestep kahit saan, responable sa lahat ng oras, bagay, panahon, at pagkakataon habang nasa loob ng school campus. ‘Yan ang buhay na haharapin mo sa buong third year life mo kung isa kang COCC. Mahirap. Nakakainis. Bagot, at minsan nakakaantok.. pero deep down inside, nakakaguilty kung sasabihin mong hindi ka nag-enjoy.. dahil nag-enjoy ka. At mag-eenjoy ka talaga.

Masarap sa pakiramdam na makita mo ang sarili mong may nagagawa ka, kahit na hindi ikaw yung pinakamaraming nagawa, masaya pa din (try mo).

Hindi man katulad ng mga nagdaang officers, yung pinagdaanan naming na may mas mabibigat na naranasan, masasabi ko pa ring marami kaming natutuhan. Maraming natuto sa pagkadapa. Maraming tumayo at tumingala.. at masaya ko dahil isa ko sa kanila. Well, iba man yung buhay na haharapin namin for the next s.y., hindi ko pa rin makakalimutan yung adventure ng pagiging COCC ko, Masayang may natutuhan at cool. Kahit pa mahirap, nakakainis, bagot, at minsan nakakaantok. :D


Mind my Business.Ü