Friday, May 28, 2010

All About About About.

"What you know 'bout me? What ya, what ya know 'bout me? What you know 'bout me? What ya, what you know??"

Oops, napakanta lang. (Lipgloss by Lil Mama) E ikaw, ano bang alam mo tungkol sa'kin?? Bago pa man ako mag-post ng blog na tungkol saan at ano, naisipan kong magpakilala sa isang paraang medyo nakagawian na. hindi lang sa pangalan, like: I am Hyya, live at.. my parents are.. and someday I want to be a.. masyado kasing praktikal kapag ganyan, para ka lang nagpakilala sa 1st day of class mo nung grade 5. Kaya bibigyan ko kayo ng konting facts/trivia tungkol sa’kin.

SPOILERS!

Things you should know about me...

(YOU SHOULDN’T)

1. Takot ako sa lumilipad na ipis, daga, butiki, palaka... etc.

- Oo takot ako, ewan ko ba.

2. Masaya ako kahit mag-isa.

- Totoo. Pero hindi ako baliw, haha. Tsaka minsanan lang din ‘to.. madalas pinangungunahan ako ng takot ‘pag ako lang. Masaya lang siguro ako kasi ako lang.. wapakels na ako nun sa iba.

3. Trip ko ang trip ng mga tao sa paligid ko.

- Pag nasa mood ako, hindi ko na ‘to maiiwasan.. talagang masarap sakyan trip ng nasa paligid mo, lalo na kapag pareho talaga kayo. (at dahil trip ko ang trip ng tao, swak din ‘pag nang-trip na ‘ko.)

4. Marami akong pinagkakaabalahan.

- Ganun lang talaga ata ako, busy-busyhan.

5. Nagsusulat ako ng kwento, totoo man o hindi yun, hindi ko palagi natatapos.

- Hindi ko alam kung bakit wala palaging ending yung mga sinusulat ko.. Pero kung huhulaan ko angsarili ko, 70% akong tinatamad, kaya madalas ang diretso nun sa itim na plastic (basurahan).

6. Ayoko sa taong maingay sa parehong paraan na ayoko din sa taong tahimik.

- Masyadong magulo at nakakairita sa tenga yung taong nagsasalita ng wala namang kwenta, at masyado rin boring kung mabibingi ka sa katahimikan.

7. Hindi kaagad ako nagsasabi ‘pag may problema.

- Ewan. Bad habbit ko na ata ‘to e, masyadong dumadalas.. Pero as far as I can, binabago ko yung pagiging tahimik ko ‘pag may problema.

8. Mabilis akong magtiwala pero hindi ako uto-uto.

- Tama! Pero hindi sa lahat ng panahon ganito palagi.

9. Mataas ang pride ko... mataas pa sa’yo.

- Hindi ako naniniwala. (papasok yan sa isip mo kung mabait ang tingin ko sa’yo) Ako din hindi naniniwala. Paniniwala na lang ata ng mga kaibigan ko, haha.

10. At ang huli? Namamatay ang mga taong nakakabasa nito! =D

- Buahahaha. (devil’s laugh)

tama na SPOILERS!


Mind my Business. Ãœ